General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan recorded one new imported case of COVID-19, total of 442 cases



Ngayong araw ng Biyernes, Mayo 29 2020. Base sa inihayag sa Presscon ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan ay nagtala ng isang bagong kaso ng COVID-19 ang bansa.

Ang bagong pasyente ay lalaki na nasa edad 20 na nag-aral mula sa bansang Russia. Nakaramdam ito ng mga sintomas noong Mayo 26 at basi sa mga isinasagawang pagsusuri ay positibo sa COVID-19 ang pasyente.

Nakaraang Huwebes pa ng huling magtala ng isang kaso ang bansa, kung saan ang bagong pasyente ay nagtrabaho mula sa bansang Mexico. Pero sa kabila ng pagdadag ng imported case ay nanatili pa rin sa 55 na lokal ng kaso ng COVID-19 sa bansa. At ngayong araw ang ika-47 araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19.

At ang magandang balita, ito ang ikapitong magkakasunod na araw na walang naitatalang kaso ng COVID-29. Ngayong araw ay nasa 420 na ang kabuuang bilang na ang mga gumaling. At 14 nalang na mga pasyente ang nanatili ngayon sa mga ospital ayon sa CECC.

Sa ngayon ay nanatili pa rin sa 442 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa at 351 dito ay mga nahawaan sa labas ng bansa, at 55 naman ang local transmission. At pito naman ang binawian ng buhay.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive