General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan will donate again 7.07 million pieces of Face Mask to the world


Inanunsyo ng Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan na magkakaroon ulit sila ng pangatlong "wave" sa pagbibigay ng "face masks" sa buong mundo. Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Joanne Ou, aabot sa 7.07 milyong piraso ng "face masks" ang ipapamahagi muli.

Ayon sa MOFA, aabot sa 480,000 katao sa Taiwan ang nag-donate ng kanilang masks sa pamamagitan ng programa ng CECC Taiwan na "Protect Taiwan, Help the world," kung saan ang bawat isa ay pwedeng mag-donate na kahit ilang pirasong face mask gamit ang "Health Card."

Umabot na sa 3.93 milyong piraso ng face masks ang naipon ng CECC Taiwan mula ng ilunsad ang program noong Abril 27. Matatandaang nagkaroon ng unang bigayan ng face masks sa ibat-ibang bansa noong Abril 1 at 9.

"The Epidemic prevention has no borders, and only through mutual benefit and cooperation can the world build a solid line of defense against epidemic disease. Taiwan has the ability to make more contributions to global health." Ayon kay MOFA Spokesman Joanne Ou.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Joanne Ou, Ang makakatanggap muli ng Face Mask ay ang mga bansa sa South Bound Policy, mga bansa sa Amerika, Europa, at Africa. Binanggit rin niya na
2.28 milyong Face Mask ay mapupunta sa Estados Unidos na lubhang naapektuhan ng COVID-19. At nasa 1.3 milyon naman ay mapupunta sa mga bansa sa Europa.

Samantala ang South bound Contries ay makakatanggap ng 1.8 milyong piraso ng face mask. Sa Africa naman at Middle East kasama na ang Syria ay makakatanggap ng 600,000 face mask ayon sa kay Ou.







Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive