General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan will take another year to re-open its International tourism industry, says Taiwan Scholars


Taipei (Mayo 23, 2020)-Dahil sa walang naitatatalang kaso ng COVID-19 sa Taiwan. Ang Ministry of Transportation and Communication (MTOC) ay nagplanong buksan na ang Internasyonal na turismo sa bansa sa darating na Oktobre, ngunit agad naman itong kinontra ni Health Minister and CECC Head Chen Shih-chung sa kanyang press briefing noong Miyerkules. Aniya ay hindi pa napapanahon ang pagbubukas ng "international tourism."

Matatandaang binigyan na ng CECC ng "go signal" na makapasok ang mga businessman sa bansa ngunit sa mga bansa lamang na may mababang kaso ng COVID-19, gaya ng mga bansang New Zealand at Vietnam. At ayon sa ahensya ay dadaan pa rin sila sa quarantine period, pero sa mas pinaiksi na ang araw na tataggal ng 5-10 araw na lamang.

Sinuportahan naman ito ni dating Deputy Health Minister Chang Hung-jen ang mga hakbang ng pamahalaan. Aniya'y base sa mga Siyentipikong datus mula CECC ay makikitang walang naitatalang kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang linggo sa bansa kaya naman hinihimok niya ang pamahalaan na dahan-dahan luwagan ang mga "restriction" gaya ng pagsulong ng "local tourism" aniya mas mainam na hikayatin ang publiko na lumabas at mamasyal at saka na buksan ang " international tourism kapag siguradong ligtas na ang lahat.

Ayon naman sa mga Iskolar ng Taiwan, maaring abutin pa sa susununod na summer ng 2021 ang pagbubukas ng 'international tourism" dahil sa tumataas pa rin ang bilang ng COVID-19 sa ibat-ibang panig ng mundo.
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive