General Information and other helpful jobs

The first largest temple theme park in Taiwan now open for free


Binukasan ang ang unang pinakamalaking "temple theme park" ng Taiwan sa Yunlin County. Ayon sa pamunuan ay meron itong 73 "attractions" at ang pinakamagandang balita pa rito ay libre po ito para sa lahat.


Limang taon na ang nakararaan ng itayo ang park na ito na o mas kilala na "Chitos park" kung saan sakop nito ang aabot sa dalawang ektarya. Sa ginawang renovation ay maraming  mga nadagdag na pasyalan at ayon sa pamunuan nasa 73 attraction. At ito rin ang itinuturing na kauna-unahang pinakamalaking "Temple Theme Park" sa Taiwan.

Isa mga attraction dito ay ang  "Fantasy Rainbow Arch Bridge" o mas kilala sa tawag na "Skyscraper Bridge" kung saan ito na daw ang pinakamataas at matarik na "Arch bridge" sa Taiwan. At ayon sa pamunuan ay kailangan marating ng namamasyal ang gitnang bahagi ng tulay upang matanaw mo ang kabuuang ganda ng park.


Pwede rin pasyalan ang mga "magnificent giant dragon boat on the lake", ang "wonderful art of dinosaur installation," ayon sa pamunuan ay siguradong maraming makukuhang magagandang larawan ang sinuman gagala rito pero dapat magdala kayo ng tubig at pagkain dahil walang tinda sa loob ng parke.


 Ayon sa  pumunuan ay pwede magtambay kahit maghapon sa loob ng parke. Bukas ang "Temple Theme Park" mula 8:00 umaga hanggang 17:00 ng hapon.


Pasyalan: Chitose Park
Address: 31-1 Anwu Road, Baozhong Township, Yunlin County



Share:

1 comment:

  1. What the address ofthe first biggest temple park in yunlin

    ReplyDelete

Loading...

Blog Archive