General Information and other helpful jobs

TSMC Stop Huawei orders as US, China Tech Cold War continues


Matapos ipag-utos ng US Department of Commerce ang pag ban ng Huawei Technology sa "access" ng "American-made chipsets" ay agad naman sumunod ang mga kumpanyang may kinalaman sa semiconductor. Kabilang na dito ang pinakamalaking kumpanya sa Taiwan na ang TSMC.

Ayon sa report, ang kumpanya ng TSMC ay gumawa ng mga bagong hakbang at regulasyon hinggil sa pagpapatupad ng ban ng Amerika. Alinsunod sa bagong regulasyon ay hindi muna tatanggap ng mga bagong orders ang kumpanya mula sa Huawei. Ngunit lahat ng mga orders at mga "ongoing production" bago pa inanunsyo ang ban ay itutuloy pa rin ng kumpanya at inaasahang matatapos hanggang sa kalagitnaan ng Septyembre.

Matatandaang nagpalabas ang Estados Unidos ng ban laban sa kumpanya ng Huawei noong Biyernes Mayo 15, 2020.

At isang araw bago inanunsyo ang pagban ng US sa Huawei Technology ay nagdesisyon ang kumpanya ng TSMC na  magtayo ng isang "5-nanometer chip factory" sa Arizona, USA. At sinasabing ito na ang pinaka-"advanced and finest" na itatayong kumpanya sa buong mundo.

Ang kumpanya ng TSMC ay kilala sa pinakamalaking "producer" ng Hisilicon at Huawei "chipsets unit."


Source: UDN





Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive