General Information and other helpful jobs

A Woman who accidentally falls in Sun Moon Lake pier was later found dead



Patay na ng matagpuan kaninang 1:55 hapon, Mayo 23, ang pinaghahanap na babae na nadulas at nahulog sa pier ng Sun Moon Lake kahapon. Matapos ang 21 na oras ng search and rescue operation ay natagpuan na ang bangkay ng isang babae sa Nantou County.

 Ayon sa pahayag ng kanyang kaibigan. Biyernes ng gabi habang naghihintay sila ng kanilang masasakyang ferry boat papuntang Xuanguang Pier ay aksidenteng nadulas at nahulog sa tubig ang kanyang kaibigan.

Ayon naman kay Section Chief Chin Ko-han ng Nantou station ay agad naman silang nagpadala ng mga rescue divers subalit masyadong malabo at maputik ang ilalim ng lawa kaya lalo silang nahirapan sa paghahanap na umabot pa ng 21 oras.

Ang Sun Moon Lake ay isa sa mga kilalang tourist destination sa Taiwan kung saan libo-libong mga turista ang dumarayo dito araw araw.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive