General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A migrant worker had been arrested for "Sexual Harassment" in Zhongli after kissing a 3 years old girl


Hsinchu (Hunyo 30, 2020)- Isang Thai National ang inaresto ng mga Police sa Zhongli matapos halikan ang batang babae nasa tatlong taong gulang sa harap ng train station ng Zhongli.

Base sa paunang imbestigasyon ay hinalikan umano sa lips ang bata ng walang paalam sa magulang. Napagkamala ng Taiwanes ang humalik na isang lalaki dahil sa iksi ng buhok. At matapos itong halikan ang bata ay agad ito sumakay pauwi kung saan natukoy ang kanyang tinitirahan sa Yuanlin Township, Miaoli County.

Ayon sa imbestigasyon, galing umano ang suspek sa isang kainan kasama ang 5 niyang kababayan. At napag-alaman rin na lasing ang suspek sa mga oras na iyon.


Kaagad naman dinala ang suspek pabalik sa Zhongli Police Station para sa imbestigasyon. Nakilala ang suspek na isang babaeng Thai National na nasa edad 34 na isang taon pa lamang sa Taiwan.

Ngunit ayon naman sa suspek ay wala umanong malisya sa kanyang paghalik sa bata. Naalala lang daw niya ang mga bata sa kanilang bansa na cute katulad sa biktima.

Nahaharap ngayon sa "sexual harrasment ang suspek ayon kay  Taoyuan City Police Chief Chen Guojin.
Share:

Guides in filing Labor Insurance Retirement in Taiwan


Lahat ng mga OFWs sa Taiwan na nagbabayad sa Labor Insurance ay may makukuha po kayong Pension o Retirement Benefits pag tanda natin.

Paano po ba makakakuha ng claim?
1. Pumunta sa pinakamalapit na City Hall na nasasakupan ng inyong lugar na pinagtratrabahuan at lumapit sa information at itanong kung saan pwede magpa-assist para mag-file ng pension ng labor insurance.

LIST OF LABOR INSURANCE OFFICES IN TAIWAN

2. Ihanda ang inyong ARC. Para sa gagawing verification ng staff.

3. Kapag na beripika na ang inyong dokumento ay bibigyan kayo ng buong listahan ng inyong hulog at computation sa inyong makukuhang pension pagtanda.

Kasali po ba ang Caregivers at Caretakers?
Sagot: Hindi po kasali, pwera lang kung kusang pina-register ng amo.

Malaki po ba makukuha sa Insurance at kelan po ba 'yan makukuha?

Sagot: Depende po yan sa kung ilang taon ka naghuhulog o nagtrabaho sa Taiwan. Mas mahabang taon mas malaki makukuha mo.

Para sa mga nag-asawa ng Tsekwa sa edad 55 ay maari na nilang makuha ang kanilang pension, pero para sa mga ordinaryong worker na hindi nakapangasawa ng Tsekwa ay makukuha lamang ang pension sa edad na 65.

Paano kung sakitin na ako sa mga panahong iyon at hindi ko na kaya maglakad? 

Sagot: Maari po lakarin ng authorized niyong claimants.

Pwede po ba ako magfile niyan kahit 3 years palang ako sa Taiwan at gusto ko nang mag-for good sa Pilipinas?
Sagot: Opo pwede ka po mag-file pero syempre mas mababa makukuha mo.

Paano po iyon eh nasa Pinas na ako hindi ako nakapag-file?
Sagot: Pwede miyo po ipasuyo sa inyong mga kaibigan dito sa Taiwan.


Anu-ano nga ba ang mga kailangan sa pag-file ng Pension sa Labor Insurance?

FOR FILING (PERSONAL)
1)ARC (old and new if magkaiba Chinese name mo bawat company)
2)OLD AND NEW PASSPORT

FOR FILING(by FRIENDS OR RELATIVES)
1)Authorization letter with signature and Chinese namechop
2)Passport(old and new)
3)ARC(old and new)

TO CLAIM (personal)-65 yrs old

1)Passport
2)ARC
4)Bankbook Copy(Philippine)
3)Computation form(Yung binigay sa inyo during filing)
5) Chinese namechop


TO CLAIM (by your son/ daughter/any member of the family/relatives)

1)AUTHORIZATION LETTER WITH SIGNATURE AND CHINESE NAMECHOP
2)PASSPORT
3)ARC
4) PHILIPPINES BANKBOOK COPY
5)CHINESE NAMECHOP (if wala po kayo pwede naman magpagawa nsa 50nt lng po bsta Chinese name mo po sa last company mo)
6)Computation form (Yung binigay sa inyo during filing)


Note: Mag-file lang kayo kung sure na kayo na hindi na mag-work sa Taiwan at mag-for good na sa Pinas.
Share:

Taiwan has recorded the hottest weather after 124 years


Taipei (Hunyo 29, 2020) - Nagtala ang Taiwan ng pinakamainit na temperatura ngayong araw ng Lunes. Umabot sa 38.9 degrees Celsius ang init na naramdaman kaninang 1:15 pm. Ito daw ang pinakamataas na temperaturang naitala sa loob ng 124 na taon, mula ng itayo ang Central Weather Bureau noong 1896.

Ang mataas temperatura ay bunsod ng Pacific high pressure system, prevailing hot dry southwest winds, at geographical features ngTaipei Basin, ayon sa CWB.

Sa ibang parte naman ng bansa ay naramdaman ang 36 degrees sa mga lugar ng New Taipei, Hsinchu, Taichung, Changhua at Kaohsiung. 

Samantala tatlong araw na rin nakakaranas ng 36 degrees na temperatura ang mga lugar ng Hualien, Changhua, Nantou, Yunlin, at Kaohsiung na inilagay sa "Orange Warning" at "Yellow Warning naman sa New Taipei, Taoyuan, Hsinchu, Miaoli, Taichung, Taitung and Yilan.

At para sa kaalaman, ang Taiwan ay nasa "summer season" na, na nagsisimula sa Hunyo hanggang Agosto kaya asahan pa ang mas mainit na temperatura hanggang sa buwan ng Agosto.

Share:

READ: List of important reminders for Returning OFWs


Sa mga uuwing OFWs, narito na ang mga panuntunan at mga pagdadaanan bago makauwi sa kanya-kanyang mga tahanan.

Para maiwasan ang mahabang pila at mapabilis ang proseso sa bawat darating na OFW ay gumawa na ng maayos na paraa ang gobyerno. Base sa protocol ng IATF at ng DOH.

Narito na ang mga pagdadanan ng mga OFW:

1.  Registration. Lahat ng mga uuwing OFW ay kailangan mag log-in sa https://e-cif.redcross.org.ph/ i-scan ang QR Code sa mga flat guide ng Philippine Red Cross. Sagutan ng kumpleto ang mga katanungan.

   Passport- ihanda ang soft copy ng inyong mga passport dahil i-upload ito sa system ng Red Cross

2. Confirmation Email at QR Code- matapos kumpletuhin ang mga katanung sa website ng Philippine Red Cross ay makakatanggap ang  bawat isa ng "email confirmation" at QR Code na gagamitin sa mga susunod na hakbang.

3. Briefing- Lahat ng mga OFW ay obligadong makinig sa gagawing briefing para sa mga susunod na hakbang.

4. Verfication at Barcoding- pagkatapos ng briefing ay dadaan na sa proseso ng "verication at barcoding " kung saan dadaan sa mga konting katanugan at bibigyan ng 6 na barcode sticker kung saan ang isa ay ilalagay sa passport at ang lima naman ay gagamitin sa mga susunod na proseso.

5. Swab Testing- Ang mga natitirang barcode ay ibibigay sa taong nag-swab at ipapakita na ang isang barcode ay nakadikit na sa pasaporte. At saka didiritso sa Swab Testing.

6. Immigration- Matapos ang swab test ay sasalang na sa "regular immigration inspection", para sa mga katanungan at pagbiripika ng mga records.

7. Quality Facility Assignment - Matapos dumaan sa immigration ay pupunta sa pinakamalapit na Help Disk para malaman kung saan quarantine facility ka mapunpunta.

Para sa mga OFW SEA-BASED ay pupunata sa kaya-kanyang mga Local Manning Agency (LMA)
Para naman sa mga OFW LAND-BASED ay pupunta sa OWWA Help Disk
Para naman sa mga NON-OFW/ Balikbayan ay didiretso sa Help Disk ng Department Tourism (DOT)

Tandaan na ang mga Help disk ay sila rin ang responsable sa pagpapauwi sa inyo pabalik sa mga probinsya.

8. Result- Ang bawat isa ay makakatanggap ng text message at email sa resulta ng kanilang swap test. Ang mga magnenegatibo ay bibigyan ng Medical Certificate bilang pruweba. At samantala sa mga magpopositibo naman ay agad ilipat ng gobyerno sa mga pagamutan hanggang gumaling.


Ang lahat ng mga OFW ay  mayroong 24 hours Helpline sa mga quarantine facilities at maari rin tumawag sa mga numero 1158 o 143 para sa mga katanungan.



Share:

Philippines is famous in International Community with fastest growing numbers of COVID-19


Taipei (Hunyo 29, 2020)- Pilipinas nangunguna sa may pinakmabilis dumami ng kaso ng COVID-19 sa Western Pacific, sa loob lamang ng dalawang Linggo ay umabot sa 8,143 ang mga bagong kaso base sa datos ng World Health Organization (WHO).

Sinundan ito ng Singapore sa kanilang "second wave" na 2,351 kaso. Ayon sa WHO sa 22 na bansa sa Western Pacific ang Pilipinas ang may pinakamabilis dumami.

Kaagad naman denepensahan ng DOH ang kanilang paghawak sa kaso. Ayon sa ahenysa dapat daw pagbatayan ang populasyon ng Pilipinas kung saan mas marami kaysa Singapore at Mas maganda daw ang Health System nila kumpara sa Pilipinas kaya hindi daw dapat ikumpara tayo sa ibang bansa.

Samantala lumalabas naman sa mga international news gaya ng UDN ng Taiwan kung saan pinapakita ang mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Share:

60,000 COVID-19 cases seen by July 31-says UP Experts


Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas maari daw pumalo sa mahigit sa 60,000 hanggang Hulyo 31, ayon sa isang ekspertong grupo mula sa University of the Philippines.

Ayon kayda UP professor Dr. Guido David, UP assistant professor Ranjit Singh Rye, Ma. Patricia Agbulos at UP professor Rev. Fr. Nicanor Austriaco, bukod sa pagtaas ng bilang ng mahahawaan ay maari rin tumaas sa 1,300 ang mamatay sa panahong iyon.

"Using the current value of Rt, based on the current number of cases in the Philippines (including uncategorized cases) and assuming the trends continue, this projects to more than 60,000 Covid-19 cases by July 31, with 1,300 deaths. In NCR, the projection is 27,000 cases by July 31, while in the province of Cebu, the projection is 20,000 cases by July 31. We emphasize that the projected increase in cases and deaths can be prevented by rapidly identifying and breaking chains of viral transmission, this represents "an increase of 50% from one period to the next," ayon sa grupo.

"This increase can be explained in part by the increase in testing capacity in the country especially since the positivity rate remains stable. Nonetheless, the positivity rate over the past two weeks is trending up suggesting that the pandemic is spreading more significantly, We believe that this uptick in the positivity rate reflects the current situation in Region VII: Central Visayas, which is experiencing a surge in infections," dagdag pa ng grupo.

Matatandaang noong Hunyo 11, nagbabala rin ang grupo na maaring umabot sa 40,000 ang kaso ng COVID-19 bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Share:

LOOK: IATF has imposed a New Mandatory "Swab test" for stranded passenger bound to provinces


Taipei (Hunyo 26, 2020)- Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa mga probinsya at isa sa mga tinuturong dahilan sa pagtaas ng bilang ay binago ng IATF ang mga panuntunan sa pag-uwi sa probinsya. Ito'y kahilingan at panawagan ng mga lokal government sa National Government upang mas maging ligtas at masuri ng maayos ang mga uuwi sa bawat probinsya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay may bagong panuntunan na sa bawat uuwing stranded na pasahero sa Metro Manila kabilang na ang mga OFWs. Ang mga uuwi sa probinsya ay kailangan ng dumaan sa bagong "SWAB TEST" bago pa man tumulak sa probinsya. At kailangan munang antayin ang resulta bago payagang makauwi.

At dahil sa bagong regulasyon ay inaasahang mas lalo pang dadami ang bilang ng mga stranded sa mga quarantine facilities ng gobyerno matapos baguhin ang panuntunan. At isa pa sa magpapdagdag ng bilang dahil ang Eastern Visayas ay pansamantalang itiniggil ang pagtanggap ng mga stranded na pasahero mula sa Manila kabilang na ang mga OFWs.

Pero nilinaw naman ng Malacanang na tanging Eastern Visayas lang ang pansamantalang hindi tatanggap ng mga stranded at ang ibang probinsya ay tuloy pa rin ngunit dadaan na sa bagong regulasyon.

Share:

Parts of Eastern and Central Visayas are now the new Emerging Hotspot of COVID-19


Taipei (Hunyo 25, 2020)- Bukod sa probinsya ng Cebu at Cebu City, ilang lugar sa Eastern Visayas tulad ng probinsya ng Samar, Leyte, Southern Leyte, at Ormoc City ay itinuturing ng Emerging Hotspot ng COVID-19 ayon sa Department of Health.

Kinausap na ng mga opisyal ng bawat probinsya ang DILG upang pansamantalang ipahinto ang Programang "Balik Probinsya" kung saan lahat ng mga stranded mula sa Manila kabilang na ang mga OFW ay bawal lang muna umuwi sa Eastern Visayas.

Sa pakikipagdayalogo ni DILG Sec. Eduardo Año  sa ilang opisyal ng Eastern Visayas ay kaagad naman tinanggap ng kalihim ang hiling ng mga opisyal dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19  sa rehiyon.

“Ang request nila ay magkaroon muna ng suspension ang pagdadala ng LSI sa Region 8, habang dine-declog nila ang kanilang quarantine facilities. Sa ngayon puno ang kanilang isolation facilties kung dadating ang mga maraming LSI ang problem papaano nila i-quarantine ang mga LSI. Ayaw naman nila na home quarantine kasi di sila sigurado kung lalabag sa protocol. I am going to accede and accept their proposal”.  pahayag ni Sec. Año.

Base sa datos ngayong alas 8 ng gabi, mula sa  Department of Health- Eastern Visayas Center for Health Development (DOH- EV CHD) ay pumalo na sa 467 ang kabuuang bilang ng COVID-19  sa rehiyon. Ngayong araw ay nagtala ng 16 na bagong kaso, kung saan pinakamarami ay mula sa Southern Leyte. At tinatayang nasa 80 namang mga Medical workers at doctor ang nahawaan na ng naturang sakit.


Share:

GOOD NEWS: Taiwan is now open for International Layovers


Isa pang good news ngayong araw dahil kahapon, Hunyo 24, sa Press Briefing ng Central Epidemic Command Center (CECC) ay pinapayagan na ng bansang Taiwan ang "layover" o "transfer" ng mga international flights.

Ayon kay Transportation and Communications Minister Lin Chia-lung simula ngayong araw ng Hunyo 25, ay bukas na ang Taouyuan International Airport para sa mga "International Layovers or Transfers". Ito'y inihayag niya kahapon kabilang na ang Civil Aeronautics at Taoyuan Airport Corporation.

Samantala nagbigay naman ng mga panuntunan ang CECC sa pangunguna ni Deputy Chief Chen Tsung-yen. Ang mga "transfer passengers" ay maari lamang magtagal ng walong oras sa paliparan at ilalagay sa isang isolation area. At sa mga pasahero na mag-transfer na "less an hour" ay dadaan sa ibang linya at hindi ihahalo sa mga magtatagal sa paliparan. Kabilang na ang mga "special authorized staff" na magbebenta ng mga pagkain at dury-free product.

Ayon la kay Chen ang CECC ay patuloy na babantayan ang sitwasyon sa paliparan at maaring magbago ang mga regulasyon "every two weeks" kung kinakailangan.
Share:

GOOD NEWS: Taiwan will accept foreign entry applications starting June 29


Magandang Balita, dahil simula sa Hunyo 29 ay muling bubuksan na ng Taiwan ang kanilang pintuan para sa mga Foreign National at maari ng magsumite ng mga "entry permit" subalit hindi kabilang ang mga "turista" o mamasyal lang.

Ayon sa press briefing ni Central Epidemic Command Center Deputy Chief Chen Tsung-yen kahapon, Hunyo 24, 2020. Kahit saang bansa na Foreign National ay maaring ma-apply ng entry sa Taiwan, hindi kabilang ang mga turista at mga "social visit".

Isa sa mga pangunahing kailangan bago makapasok sa Taiwan ay ang "Negative Test Result" ng COVID-19 na isasagawa tatlong araw bago lumipad pa Taiwan. At lahat ng papasok sa Taiwan ay sasailalim pa rin sa mandatory 14 days quarantine. At muling sasailalim sa pagsusuri ng COVID-19 bago i-released, ayon sa opisyal.

Kabilang sa mga pinayagan maka-apply ng entry permit ay ang mga taga Hong Kong at Macau.

Matatandaang  noong Marso 19 ay tuluyan ng isinara ng Taiwan ang kanilang mga paliparan at pantalan sa mga Foreign National dahil sa banta ng COVID-19.

Source: TAIWAN NEWS
Share:

Local Hiring: Production Operator for GEMECO | Apply via online


Position: Production Operators
Job Location:62 General Luis, Novaliches, Quezon City, 1125 Metro Manila, Philippines
Company: General Metal Container Corporation of the Phils. (Gemeco)

And due to COVID-19, all application are made easy by applying online, for your application click the link below.


CLICK HERE TO APPLY ONLINE

Company Overview
Tin cans provide a key nutritional food delivery system through the most convenient, environmentally friendly, and safe form of packaging. GEMECO is the most progressive company in this vital industry. With roots dating back to 1954, our company has a long tradition of product excellence and customer service. We are looking for talented, dynamic individuals to join us in our continued growth.


GEMECO’s customers include: Angel Milk, 555, Argentina, Century Tuna, Hunt’s-URC, Ligo, Mead Johnson, Purefoods Hormel, Reno, Swift, Virginia, and Youngstown.
The company's main plant is on a four-hectare property in Quezon City and it operates satellite factories in Cebu and Zamboanga. GEMECO has the fastest can manufacturing line in the country and is the only Can maker in the Philippines capable of producing easy-open ends. It boasts of very modern metal lithography lines and in-house plate-making facilities. It also has a very well equipped machine shop that serves it's tooling needs.



---------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: OFW BUDDY is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.
Share:

Local Hiring: Production Helper for Prime Worldwide Paper Packaging Corp. | Apply via online

Image for representation only

Position: Production Helper
Job Location: Sta. Rosa, Laguna
Company: PRIME WORLDWIDE PAPER PACKAGING CORPORATION

And due to COVID-19, all application are made easy by applying online, for your application click the link below.

CLICK HERE TO APPLY ONLINE


Company Overview
PRIME WORLDWIDE PAPER PACKAGING CORPORATION (PRIME) is one of the leading and fastest growing corrugated box manufacturers in the Philippines. PRIME has created custom cardboard box packaging and corrugated box base solutions for many industries primarily in the export sector. Our corrugated packaging clientele includes Electronics, Semiconductors, Handicraft, Garments, Food and Consumer Products. PRIME has since grown to be one of the leading corrugated carton manufacturers in the industry.


-------------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: OFW BUDDY is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.
Share:

Local Hiring: Production Operators for SUNSONIC | Apply via online

Image for representation only


Position: Production Workers
Agency: Transform Manpower and Allied Services

Address:54 Molino - Paliparan Rd, Dasmariñas, Cavite

Phone: +63 46 454 8327 / (046)972-2660

EMAIL: transform_manpower@yahoo.com


And due to COVID-19, all application are made easy by applying online, for your application click the link below.

CLICK HERE TO APPLY ONLINE



Transform Manpower paves the way towards a paradigm shift in job placement. At Transform, we make sure that we educate and train our staff not only on the technical aspects of a job, but also on the emotional and psychological side as well. We believe that by doing so, we are not only ensuring job security for our staff but most importantly we protect the interest of our clients by providing them with competent and resilient employees with the right mindset.

------------------------------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: OFW BUDDY is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.
Share:

Local Job Hiring: Production Line Operator for Nestle | Apply via online


Position: Production Line Operator
Job Location: Tanuan Batangas
Company: Nestlé Philippines, Inc. 

They are looking for Production Line Operator (Raw Materials Handler) who will be able to controls and plans the flow of raw materials and maintains the warehouse staging area in a neat and orderly manner.

Joining Nestlé means you are joining the largest Food and Beverage Company in the world.  At our very core, we are a human environment – passionate people driven by the purpose of enhancing the quality of life and contributing to a healthier future.  A Nestlé career empowers you to make an impact locally and globally, as you are provided with the opportunity to make a mark and stand out, as long as you seek it.  With Nestlé, you are enabled and encouraged to grow not only as professionals, but also as people.

CLICK HERE TO APPLY ONLINE

Company Overview
Over a hundred years after it first started operations in the country,  Nestlé Philippines, Inc. (NPI)  today is a robust and stable organization, proud of its role in bringing the best food and beverage throughout the stages of  the Filipino consumers’ lives.  The Company employs 3,700 men and women all over the country, and is among the Philippines’ top corporations.  Its products are No. 1 or strong No. 2 brands in their respective categories.


------------------------------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: OFW BUDDY is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.
Share:

BREAKING: Magnitude 7.4 earthquake hit the Southern Coastline of Mexico


Breaking news, Southern Coastline ng Mexico niyanig ng magnitude 7.4 na lindol kaninang alas 10:29 a.m. lokal na oras sa Mexico at 11:20 pm, Hunyo 23, oras sa Pilipinas.

Base sa datos, naitala ang ang epicenter 11 kilometers southwest ng Santa María Zapotitlán sa Oaxaca state.

Samantala sinabi naman ng The Pacific Tsunami Warning Center na maaaring magkaroon ng tsunami pwedeng umabot sa 1,000 kilometro mula sa epicenter ng lindol kasama na dito ang mga lugar ng coasts of Mexico, Honduras, Guatemala at El Salvador.

Unang nilabas kanina ang lakas ng lindol sa magnitude 7.7 ngunit kalaunan ay ibinaba ito sa magnitude 7.4.

Share:

Local Job Hiring: Production Operators for Artvivant, Inc. | Apply via online application

Image for representation only

Are you looking for positon of Production Operators? The Artvivant is looking for qualified applicants for production operation.

And due to COVID-19, all application are made easy by applying online, for your application click the link below.

CLICK HERE TO APPLY ONLINE

Company Name: Artvivant Inc.

The company was estbalished in 2002 and located in Carmona. the company is manufacturer of Woven Fabrics in Philippines which are being exported worldwide. Their product is made of natural materials.


Job Location:  People's Technology Road, Onda Compound, People's Technology Complex - Special Economic Zone, 4116, Carmona, Cavite


------------------------------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: OFW BUDDY is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.
Share:

Local Job Hiring: Production Operators for Universal Robina | apply via online application


FOR LOCAL JOB HIRING..

Are you looking for position of Production Operators? The Universal Robina is now hiring qualified applicants for Calamba Plant.

Job Location: Calamba City, Laguna

And due to COVID-19, all application are made easy by applying online, for your application click the link below.

CLICK HERE TO APPLY ONLINE

Company Overview
Universal Robina Corporation (URC) is one of the largest and leading branded consumer food and beverage product companies in the Philippines and has a significant and growing presence in the ASEAN markets.


URC has been in operations for almost 60 years.
Its known brands include Jack 'N Jill (Chippy, Chiz Curls, Piattos, Nova, Magic Flakes, Dewberry, Maxx, Cloud 9, Nips, Quake Cake), Payless, Nissin, Hunt's, Great Taste Coffee, C2 Green Tea Iced Tea, and Refresh Water and Juices. Consistently ranked among the TOP 5 Corporations in the Philippines, URC remains to be a market leader.

------------------------------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: OFW BUDDY is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.
Share:

Region 7 cases of COVID-19 is rapidly increasing to 4,479 after 288 new cases has been recorded


Taipei (Hunyo 23, 2020)- Region 7 na ang nangunguna sa may pinakamaraming bilang ng COVID-19 sa bansa. Ngayong araw ng Martes ay nagtala ng 288 na bagong kaso ang rehiyon.

Ang Cebu City ay nagtala ng 30 na bagong kaso ngayong araw, sa kabuuan ay umabot na 4,479 ang kaso ng COVID-19 sa Siyudad at nasa 2117 ang mga gumaling at 89 ang nasawi. Base sa datos ng DOH Region 7.

Samantala ang Lapu-Lapu City naman ay nagtala ng 42 na bagong kaso ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 304 ang kaso. Ayon kay Lapu-laupu City Mayor Junard Chan.

Sa pangkalahatan ay nagtala ng 1,150 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Ngunit nilinaw naman ng DOH na 789 lang ang bagong kaso at 361 naman ang delayed ang validation. Sa ngayon ay nasa 31,000 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.


Samantala nagtala naman ng 299 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 8,442 ang mga gumaling mula sa sakit ng COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 9 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,186 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19



Share:

BREAKING: Philippines has recorded 1,150 new cases of COVID-19, total soared to more than 31,000


Taipei (Hunyo 23, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa mahigit 31,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon.

Nagtala ng 1,150 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Ngunit nilinaw naman ng ahensya na 789 lang ang bagong kaso at 361 naman ang delayed ang validation. Sa ngayon ay nasa 31,825 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 299 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 8,442 ang mga gumaling mula sa sakit ng COVID-19.


Nagtala naman ngayong araw ng 9 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,186 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Pinakamataas na bilang mula sa Region 7 na umabot sa 288 ngayong araw at 207 naman sa Metro Manila. At 219 sa ibat-ibang panig ng bansa.
Share:

Taiwan has successfully fight the COVID-19 with 4 patients left


Taipei (Hunyo 23, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Taiwan ay umabot na sa 446 ang kabuuang bilang base sa datos ng Taiwan Centers for Disease Control.

Ngayong umaga ng Martes, Hunyo 23, ay nanatili pa rin sa 446 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa kung saan 355 dito ay galing sa ibang bansa at 55 naman ang local transmission. Samantala nasa 7 lamang ang namatay.

Base sa datos ay nasa 435 na ang kabuuang bilang ng gumaling mula sa sakit, ibig sabihin ay 4 na lamang ng mga pasyente ang kasalukuyang ginagamot.


Ang pinakahuling kaso ay isang businessman na nasa edad 60 mula sa Bangladesh na sumakay pa Malaysia at sumakay ng chartered flight kung saan nakasakay sina case no.444 at 445. At 10 sa mga businessman na kasabayan nila sa eroplano ay nagnegatibo naman sa isinagawang test.

Samantala, sa kabuuan ay umabot sa 74,842 ang sumailalim sa COVID-19 test sa bansa at 73,939 naman ang nagnegatibo sa resulta. At 446 naman ang nagpositibo kung saan 435 dito ay nakalabas na sa mga ospital ayon sa datos ng CECC Taiwan.
Share:

Death toll of Pinoys around the world due to COVID-19 rises to 496


Taipei (Hunyo 22, 2020)- Ulat hinggil sa kabuuang bilang ng mga Pinoy na nahawaan at namatay dahil sa COVID-19 sa ibat-ibang panig ng mundo umabot na sa mahigit 6,000 ayon sa Department of Foreign Affairs.

Base sa datos ng DFA kahapon ng Linggo ay umabot na sa 496 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na namatay sa buong mundo at tinataya namang nasa 6,414 na ang kabuuang bilang ng nahawaan.


Ang Middle East pa rin at ang African Region ang nangunguna sa may pinakamaraming bilang ng mga Pinoy na nahawaan ng COVID-19 na umabot na sa 3,945 na kaso. At 1,692 na recovires at 236 ang nasawi.

Samantala sa Europe ay umabot na sa 937 ang kabuuang bilang ng nahawaan, na may 305 reocoveries at 94 ang nasawi.


Sa Amerika naman ay umabot na sa 685 na mga Pilipino ang nahawaan at may 373 recoveries. Sa ngayon ay umabot na sa 164 ang namatay doon.

Pinakamababang bilang naman ang sa Asia Pacific Region na nagtala lamang ng 574 na kaso at 492 rito ang gumaling at 2 ang namatay.

Kahapon ng Linggo ay nagtala ang DFA ng bagong 11 recoveries, sa kabuuan ay umabot na sa 2,862 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19.
Share:

Death toll of Filipinos in Saudi Arabia due to COVID-19 climbed to 107 cases


Taipei (Hunyo 22, 2020)- Umabot na sa 353 ang kabuuang bilang ng mga labi ng mga Pilipinong nasa Saudi Arabia, na hindi pa naiuuwi sa Pilipinas simula ng pumutok ang COVID-19. Ito'y kinumpirma ngayong Lunes ni Ambassador Adnan Alonto.

Sa televised briefing nitong Lunes ni Alonto sinabi niyang umabot na sa 107 ang kabuuang bilang ng mga OFW namatay dahil sa COVID-19 at nasa 246 naman ang nasawi sa ibat-ibang dahilan tulad ng krimen at " natural causes".



“Nagkaroon po tayo ng backlog, so iyon po largely ang naging cause. Even up to now the flights are very limited and I understand ang isang plane full of passengers can only accommodate not more than three human remains dahil napakainit po ngayon dito sa Saudi Arabia, pagka mainit na mainit talaga kailangan medyo i-balance din yung load ng eroplano." ayon kay Alonto.

kinumpirma rin ni Alonte na kamakailan ay hiniling na gobyerno ng Saudi sa Pilipinas na iuwi na ang nasa 282 mga labi. Ngunit kung matatandaang noong Linggo ay sinabi rin ng Palasyo, na lahat ng mga OFW na namatay dahil sa COVID-19 ay doon na ililibing alinsunod sa protocol ng IATF.

Nakikipag-ugnayan na ang embahada sa Department of Foreign Affairs at sa iba pang government agencies para sa pagpapa-uwi ng mga labi mula sa Saudi Arabia. Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Palasyo sa mga naulilang pamilya.

Share:

Singapore-based BPO Everise will hire 2,000 "work-from-home Filipino staff"



Kumpanyang Everise Holdings Inc. na nakabase sa Singapore na isang business process outsourcing (BPO) firm, balak mag-hire ng aabot sa 2,000 mga Pinoy at magtratrabaho bilang "work-from-home staff". Ito'y para palakasin ang kanilang operasyon sa Manila na may kasalukuyang bilang na 3,000 at 12,000 naman sa buong mundo.

"We are a people-first company who has entrepreneurship and innovation in our DNA, it is critical that we live these values during a crisis to offer a superior brand experience," pahayag ni  Everise founder at chief executive officer Sudhir Agarwal.

"We engineered home-based operations such as remote recruiting, virtual training and on-boarding, and business intelligence, as a result, all of our solutions, including omnichannel customer service, tech support, fraud detection, and community moderation, chatbots and natural language interactive voice response systems, can be delivered from home," dagdag pa ni Agarwal.

Matatandaang ngayong linggo rin ay sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na aabot sa 6,000 mga trabaho ang magbubukas sa industriya ng BPO dahil sa pandemic COVID-19.




Share:

Philippines has recorded 630 new cases of COVID-19, soared to 30,682 in total


Taipei (Hunyo 22, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa 30,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon.

Nagtala ng 630 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Ngunit nilinaw naman ng ahensya na 467 lang ang bagong kaso at 163 naman ang delayed ang validation. Sa ngayon ay nasa 30,682 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 250 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 8,143 ang mga gumaling mula sa sakit ng COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 8 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,177 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at sinundan ng Cebu.



Share:

Philippine Gov't pleaded the Saudi Gov't to give an ample time in repatriating the more than 200 corpses


Gobyerno ng Pilipinas umapela sa Kingdom ng Saudi Arabia na bigyan pa ng kaunting palugit sa pagpapauwi ng mga labi ng mga OFWs na namatay sa Middle East sa gitna ng pandemic COVID-19.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakatanggap sila ng mensahe mula sa Saudi Government na binigyan ang Pilipinas ng 72 oras upang iuwi ang nasa 282 mga bangkay, at nasa 50 dito ay namatay dahil sa COVID-19. 

“The Saudi government has advised the Department of Foreign Affairs (DFA) and the Philippine Overseas Labor Office (POLO) there to bring home our dead OFWs within 72 hours. Ang sabi ng Saudi government, kung hindi natin iuuwi, ililibing na nila doon. The DFA requested for more time to bring them home. Mukha namang positive ang reaksyon ng Saudi government,” base panayam ng TFT kay Sec. Bello.

Alinsunod sa protocol ng IATF, hiniling ng gobyerno ng Pilipinas sa gobyerno ng Saudi na ilibing nalang doon ang nasa 50 mga bangkay na namatay dahil sa COVID-19.

“Ang decision ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) ay iuwi lang natin yung 232, yung paglilibing agad sa COVID-19 deaths kasi is non-negotiable, per IATF. Too risky to bring them home, Matagal na tayong tumigil [pansamantala sa pagrepatriate ng mga namatay na Filipino] mula noong nagkaroon ng lockdown,” dagdag ni Sec. Bello.

Share:

Corpses of OFWs in Saudi Arabia who died due to COVID-19 won't be brought home


Dahil sa pandemic COVID-19, aabot na sa 50 na mga OFWs sa Saudi Arabia ang nasawi. Ito'y base sa datos ng Department of Labor and Employment. 

Sinabi na naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa Saudi na ililibing ang mga labi ng mga OFW na namatay dahil sa COVID-19, ito'y alinsunod sa polisiya ng bansa at protocol ng IATF. Pero nilinaw naman ng Roque na tanging mga namatay lang dahil sa COVID-19 ang ililibing doon at mga namatay sa ibang sakit ay iuuwi pa rin sa Pilipinas. 

Nagpaabot na ng pakikiramay ang Malacañang sa mga pamilya ng naulila.

Share:

Senator Gordon urged DOTC to use Subic International Airport for repatriation of OFWs


Bilang paghahanda sa pagdating ng aabot sa 300,000 na mga OFWs sa susunod na buwan ay iminungkahi kahapon ng Linggo, Hunyo 21, 2020 ni Senador Richard Gordon ang pagbubukas ng Subic Bay International Airport (SBIA). 

Ayon sa Senador ang paliparan ay may kakayahang tumanggap ng mga international flights at meron itong testing facilities para sa COVID-19. 

Aniya ang bagong bukas na PRC molecular laboratory sa Subic at Clark, kapag pinagsama ay kayang abutin ang capacity na 4,000 tests araw-araw.

“Kahapon kinausap ko si [Transportation] Secretary [Arthur] Tugade at sabi ko ‘Art, matagal ka nang nangangako sa’kin, buksan mo na ‘yung airport ng Subic para diyan mag-landing ‘yung ibang OFWs para ma-test na sila kaagad-agad,’” ayon kay Gordon.

Dagdag pa ni Sen. Gordon na mas mainam sa Subic dahil mas kalmado ang tubig at madali itong mapapasok ng Coastguard kaysa sa Manila Bay.

“Dati sa Manila Bay sila nagte-test, ang hirap pumasok. Sa Subic, kalmado ang tubig kaya mas madaling pasukin ng Coast Guard ‘yung mga barko para makapag-swab sila sa mga seafarers,” he explained.

Ayon kay Sen. Gordon kapag binuksan ang SBIA ay dagdag turismo rin ito sa kanilang lugar. 

“Once we have tested everybody here we can advertise to the whole world, ‘We have already tested all the employees here, we have tested everyone here so now you are welcome to come down here’ and jobs can be generated right away,” dagdag ni Senador Gordon.

Matatandaang nasa 500 milyon ang inilaan na pondo noong 2019 ni Senador Gordon para sa rehabilitasyon ng SBIA.
Share:

Philippines cases of COVID-19 exceeded to 30,000 after 653 new cases recorded


Manila (Hunyo 21, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa mahigit 30,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon.

Ngayong araw ay nagtala ng 653 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Ngunit nilinaw naman ng ahensya na 415 lang ang bagong kaso at 238 naman ang delayed ang validation. Sa ngayon ay nasa 30,052 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 243 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 7,893 ang mga gumaling mula sa sakit ng COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 19 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,169 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

"Today's fresh cases are based on the daily accomplishment reports submitted by only 45 out of 59 current operational lab," ayon sa DOH

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at sinundan ng Cebu.

Share:

Philippines recorded 943 new cases of COVID-19, cases soared to more than 29,000


Manila (Hunyo 19, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa mahigit 29,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong ala 7 ng gabi.

Ngayong araw ay nagtala ng 943 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Ngunit nilinaw naman ng ahensya na 578 lang ang bagong kaso at 365 naman ang delayed ang validation. Sa ngayon ay nasa 29,400 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 272 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 7,650 ang mga gumaling mula sa sakit ng COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 20 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,150 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at sinundan ng Cebu.

Share:

Bilang ng COVID-19 sa Pilipinas lumagpas na sa mahigit 28,000 matapos magtala ng 661 na bagong kaso

Manila (Hunyo 19, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa mahigit 28,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon.

Ngayong araw ay nagtala ng 661 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Ngunit nilinaw naman ng ahensya na 460 lang ang bagong kaso at 201 naman ang delayed ang validation. Sa ngayon ay nasa 28,459 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 288 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 7,378 ang mga gumaling mula sa sakit ng COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 14 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,130 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at sinundan ng Cebu.


Share:

PH Gov't has started giving the second wave of cash assistance

Image for representation only 

Taipei (Hunyo 17, 2020)- Simula ngayong araw ay sisimulan na ang pamimigay ng distribution of cash assistance sa ilalim Social Amelioration Program ayon sa  Department of the Interior and Local Government (DILG).

Base sa pahayag kahapon ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya ang pilot payout ay magsisimula sa Benguet sa Cordillera Administrative Region (CAR).

“Bukas nga po ay may pilot distribution payout na po ang DSWD [Department of Social Welfare and Development] sa Benguet sa Cordillera Administrative Region. Doon po magsisimula at sunod-sunod na po ito hanggang sa June 23,” pahayag ni Malaya.

Ayon rin kay Malaya, tinatayang nasa 4.2 million ang “waitlisted” at “left out“  families as beneficiaries sa programa.

“Through our coordination with the DSWD, nakalap na po natin 'yung numero at pangalan ng mga head of the households na mga waitlisted at mga left out families sa buong bansa. At sa huling datos na ibinigay sa atin ng mga local government units, nasa 4.2 [million] na ho ang numero ng pamilyang ito,” dagdag pa niya.

Kinumpirma rin ni Malaya na kahapon ay nagkaroon ng Orientation sa mga local governments operation officers para sa distribution ng cash assistance.
Kasama sa mga dumalo ay ang mga Provincial directors ng Philippine National Police at mga police personnel na tutulong sa DSWD ng distribution para sa mga beneficiaries.

Sa ilalim ng Social Amelioration Program, low-income families ay mabibigyan ng cash assistance na P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan.

Ang pangalawang tranche ay bahagi pa rin ng P200 billion program ng gobyerno.

Share:

Philippines COVID-19 cases soared to nearly 27,0000 after 364 new cases recorded today


Manila (Hunyo 16, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas malapit ng umabot sa 27,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon.

Ngayong araw ay nagtala ng 364 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Ngunit nilinaw naman ng ahensya na 249 lang ang bagong kaso at 115 naman ang delayed ang validation. Sa ngayon ay nasa 26,781 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 301 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 6,552 ang mga gumaling mula sa sakit ng COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 5 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,103 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at sinundan ng Cebu.



Share:

LOOK: Thousands of affected OFWs due to COVID-19 arrived in Manila International Airport


Manila (Hunyo 16, 2020)- Dumating na sa Pilipinas ang mahigit 2,000 mga OFW mula sa Lebanon, UAE, Saudi Arabia, Barbados, Germany at Netherlands.

Dahil sa lumalang pandemic COVID-19 sa buong mundo ay marami ang nawalan ng trabaho, kabilang na dito ang aabot sa 2,281 na mga OFW na lumapag ngayong araw sa NAIA.

Matatandaang noong nakaraang araw ay libo-libong mga OFW rin ang dumating mula sa Qatar. Ang libreng pagapauwi ng mga OFW sa bansa ay bahagi ng "ongoing repatriation program ng Philippine government dahil sa global pandemic crisis.

Share:

Japan Hiring: Finishing Board Works | High School Diploma


Position: Finishing Board Works
Project/Principal: Co Creation Cooperative

Qualifications:
Male
24 years old and above
Minimum of 3 years experience
At least High School Diploma

Japan-General Qualifications:
1. With atleast 3 years experience in Local Employment
2. With Good Moral Attitude
3. Original Passport
4. Willing to study the Nihongo for 2 months

THIS JOB HAS NO  PLACEMENT FEE

Agency:YWA Human Resource Corporation
Address: 1268 Gen. Luna St, Paco, Manila, 1007 Metro Manila, Philippines (Near LRT UN Station)

Contact numbers: 8-524-7777/8-524-2181/8-524-2185

To apply online: CLICK HERE

------------------------------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: OFW BUDDY is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.



Share:

Japan Hiring: English Language Teachers | Chesham's Via Online Application


Position: English Language Teachers Japan
Job Location: Japan

Principal/Project: Interac Co. Ltd.

Qualifications:
Male /Female
21 years old and above
Minimum of 1 year experience
At least Bachelor's degree / College Degree


Agency: CHESHAM RECRUITMENT INC.
Address: Suite 219, The Peninsula Court, Makati Avenue, corner Paseo de Roxas, Makati 1226, Metro Manila, Philippines

Phone: 7-750-0640/7-750-0641/7-750-0642


The mandatory Chesham Alt word-format resume, together with the instructions for its completion are available to download from this link. RESUME here!

If you fully meet the Mandatory Requirements stated above, Please submit to their E-mail address your completed and fully complaint Alt word-formatted Resume, As an E-mail attactment and not through any internet facility such as google drive, dropbox, etc.

info@cheshamrecruitment.com.ph


-----------------------------------------------------------------------------------------------------
Announcement




------------------------------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: OFW BUDDY is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.
Share:

How to travel in the abandoned UFO Village in Taiwan


Do you find a unique place, the style is weird, abandoned and not touristy places this is for you. Wanli Ufo village is a rare pod of descent midcentury Futuro and Venturo houses lines a semi-abandoned beachfront resort outside Taipei. Futuro houses, designed by Finnish architect Matti Suuron, resemble whimsical flying saucers. Ufo shaped house closet to the entrance of the park boasts a fully functioning airplane-style door and windows, inside the small circular space are sitting area, kitchen, bedroom, and bathroom.

I enjoyed this place if you look at it has a no-nonsense place because the surroundings seem really abandoned, but if you appreciate the place you can say it's unique to all of the sights you've been visited. The eerie streets of this abandoned beachside paradise still echo with the cries of surfers fighting against the costal waves from the village bygone days. The Ufo Village is a great place for people who want to be alone because the place is quiet, only you can see the abandoned surroundings and seas around

Address: Sanzhi, New Taipei, Taiwan
How to get there:

* Abandoned Ufo Village
👉Taipei👉Bus1815👉Wanli District stop or Meilun stop.

*Heping Island Park
👉TRA Keeping station👉Bus 101👉Heping Island 5-10 minutes walk


Share:

How to travel in Sun Moon Lake


The Sun Moon Lake Hanbi Trail was made of red bricks all the steps of its trail. And in the morning you will saw birds in the water. As you walk down to the wharf you will saw the great beauty of Ci'en Pagoda in Lalu Islands. This place is perfect for self-reflection and relaxation.

Address:
Shuishe Vil., Yuchih Township, Nantou County 555, Taiwan

Telephone No.
+886-49-285-5668

Open Hours:
24hours

How to get there:

Private Transportation:
* Nat'l Hwy 1 > Exit at the Nantun Interchange > County Hwy 136 > Prov. Hwy 74 > Exit at the Kuaiguan Interchange> Nat'l Hwy 3 > Wufeng System Interchange > Nat'l Hwy 6 > Exit at the Ailan Interchange > Prov. Hwy 14 > Prov. Hwy 21.

Public Transportation:
* You should take TRA/HSR to Taichung Station then transfer to Sun Moon Lake Route and get off at Sun Moon Lake stop.




Share:

Rappler and other leftlist are blaming the government over the arrest of CEO Maria Ressa?


Manila (Hunyo 15, 2020)- Pormal ng binasahan ng sakdal ng Manila Regional Trial Court Branch 46 sina Rappler CEO at executive editor, Maria Ressa, at former researcher Rey Santos sa kasong cyber libel.

Kinasuhan ng Cyber Libel ni Wilfredo Keng na isang private businessman ang dalawa kaugnay sa mapanirang post na naglathala noong 2012 kaugnay sa pagdawit nito human trafficking at drug smuggling.

Ngunit sa kabila ng paghain ng isang private individual kay Maria Ressa ay pilit pa rin dinadawit ng kumpanya ang gobyerno ng Pilipinas at maging ang ilang senador gaya ni Risa Hontiveros 


Nagpahayag rin ang Rappler at pilit na sinisisi ng kumpanya ang Administrasyon ni Duterte sa salang nagawa ng kanilang boss.

"failure of justice and democracy" paglalarawan ng Rappler.

"sets a dangerous precedent not only for journalists but for everyone online. Today marks diminished freedom and more threats to democratic rights supposedly guaranteed by the Philippine Constitution, especially in the context of looming anti-terrorism law," dagdag ng Rappler.

At nadawit pa ang anti-terrorism law sa paghatol ng guilty sa kanilang CEO na American Journalist Maria Ressa.

Share:

LOOK: The Biggest mass repatriation of OFWs in history from Beirut Airport" in Qatar due to COVID-19


Dahil sa pandemic COVID-19 na nararamdaman sa buong mundo maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at marami rin kumpanya ang nagsarado. Ibat-ibang bansa sa buong mundo ay humaharap sa matinding pagsubok na dala ng sakit na COVID-19. Isa na dito ang mga OFWs na mula sa Qatar.

Kanina ay kinumpirma ni  Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na libo-libong mga OFW mula sa Qatar ang darating sa Pilipinas. Naitala rin ngayong araw ang pinakamalaking bilang ng repatration na uuwi sa Pilipinas sa kasaysayan ng Qatar.



 "This is the biggest mass repatriation in history from Beirut Airport" in Qatar flight on the way home to the Philippines ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Kahapon naman ay dumating rin sa Pilipinas ang mga nasa 390 na mga OFWs mula sa Laos at Norway. Kung saan 125 dito ay mga OFW sa Laos at 265 naman ay mga Sea-based OFWs mula sa Norway.

Source: PTV
Share:

Magnitude 6.0 earthquake shook Northeast Taiwan


Taipei (Hunyo 14, 2020)- Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang hilagang-silangang bahagi ng Taiwan kaninang alas 4:19 ng umaga, base sa datos na inilabas ng Central Weather Bureau (CWB).

Naitala ang epicentro ng lindol sa 85.3 kilometro sa Timog-silangang bahagi ng Yilan County Hall na may lalim na 54.8 kilometro.

Naramdaman ang Intensity 3 sa mga lugar ng Yilan County, Hualien County, Nantou County, Hsinchu County, Taitung County, Yunlin County, at Chiayi County. 

Intensity 2 naman sa mga lugar ng 
Taipei City, Taoyuan City, Keelung City, Taichung City, New Taipei City, Miaoli County, Changhua County, Chiayi City, Kaohsiung City, at Tainan City.

At intensity 1 naman sa mga lugar ng  Hsinchu City, Pingtung County, at Penghu County. 

Share:

Fake "made in Taiwan" manufactured from China were surfaced in the Philippines


Nabigay naman ng babala sa Pilipinas ang Beargotraveling (熊熊來七逃) ng Taiwan dahil sa nadiskubreng naglipanang pekeng face masks na gawa sa China. Ayon sa uploader ibinebenta umano ang face mask per kahon may label na AiDeLai (愛德萊) brand , at may mga nakasulat pa na "anti-bacterial, able to keep out smells, dust, smog, sunlight, and can block PM2.5 particulates"

Talamak umano ang bentahan sa Pilipinas at may nakalagay pa na "made in Taiwan, China" na gawa umano ng kumpanyang Taibei Rongyi Textile Co. Subalit sa pagsasaliksik ay walang lumabas na Taibei Rongyi Textile Co. ay nasa China's Jiangsu province.

Hindi lang ito ang unang beses na peneke ang face mask ng Taiwan, matatandaang naglipana rin sa Japan noong kasagsagan ng COVID-19 ang pekeng "made in Taiwan face mask."
Share:

Philippines received another 500,000 face masks and volume of medical supplies from Taiwan


Bansang Pilipinas nakatanggap ng karagdagang panibagong donasyon mula sa bansang Taiwan.
Base sa post Taiwan Economic Cultural Office sa Pilipinas dumating kahapon sa Pilipinas lulan ng Eva Airways ang aabot 500,000 surgical face masks, 50,000 N95 masks, 20,000 scrub suits, 5,000 sets of protective suits at mga medical supplies.

Pinangunahan kahapon ng Huwebes, Hunyo 11, ang seremonya ng pagtanggap ni Cesar Drilon Jr., director ng Manila Economic and Cultural Office at mga kinatawan ng Department of Health, Philippine National Police, Philippine Coast Guard (PCG), Chinese General Hospital and Medical Center, National Kidney and Transplant Institute.

Matatandaang noong Abril 15, ay aabot rin sa 300,000 na face mask ang ibinigay ng bansang Taiwan sa Pilipinas bilang bahagi ng  kanilang programa na "Taiwan can help" kung saan ibat-ibang bansa sa buong mundo ang nakatanggap ng libreng face mask at iba pang mga medical supplies.
Share:

Philippines has recorded 615 new cases of COVID-19, cases soared to nearly 25,000


Manila (Hunyo 12, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas malapit ng umabot sa 25,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon.

Ngayong araw ay nagtala ng 615 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Ngunit nilinaw naman ng ahensya na 336 lang ang bagong kaso at 279 naman ang delayed ang validation. Sa ngayon ay nasa 24,787 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 289 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 5,454 ang mga gumaling mula sa sakit ng COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 16 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,052 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at sinundan ng Cebu.





Share:
Loading...

Blog Archive