General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

4 OFW's in Kuwait have suffered physical and verbal abuse from their employer




Apat na mga Pinoy OFW's na nagtatrabaho sa bansang kuwait ang inerereklamo ang kanilang employer sa pang-aabuso diumano nito sa kanila ayon sa report ng Unang Balita nitong Huwebes.

Ayon sa mga nasabing OFW's,sa una ay mga masasakit na salita na pang-aabuso lamang ang kanilang naririnig sa kanilang employer na kalaunay nauwi sa pisikalang pananakit nito sa kanila.

Ang nasabing insidente ang nag-udyok sa apat upang lumayas sa kanilang amo at manatili sa bahay ng isang kaibigan.

Ang nasabeng pangyayari ay nakarating narin sa kaalaman ng mga Pilipinong opisyal sa Kuwait kong kayat pinaghahandaan narin nila kong paano nila matutulungan ang apat na OFW's na posibling mapauwi sa Pilipinas.

Matatandaan na nitong Enero ay ipinatupad ng Pilipinas ang pansamantalang pagpapahinto ng pagpapadala ng mga manggagawa sa Kuwait matapos ma mamatay noong Disyembre ang isang Pilipinong manggagawa doon.Nitong Pebrero lamang inalis muli ang deployment ban sa Kuwait.

Source: GMA News
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive