General Information and other helpful jobs

A migrant worker had been arrested for "Sexual Harassment" in Zhongli after kissing a 3 years old girl


Hsinchu (Hunyo 30, 2020)- Isang Thai National ang inaresto ng mga Police sa Zhongli matapos halikan ang batang babae nasa tatlong taong gulang sa harap ng train station ng Zhongli.

Base sa paunang imbestigasyon ay hinalikan umano sa lips ang bata ng walang paalam sa magulang. Napagkamala ng Taiwanes ang humalik na isang lalaki dahil sa iksi ng buhok. At matapos itong halikan ang bata ay agad ito sumakay pauwi kung saan natukoy ang kanyang tinitirahan sa Yuanlin Township, Miaoli County.

Ayon sa imbestigasyon, galing umano ang suspek sa isang kainan kasama ang 5 niyang kababayan. At napag-alaman rin na lasing ang suspek sa mga oras na iyon.


Kaagad naman dinala ang suspek pabalik sa Zhongli Police Station para sa imbestigasyon. Nakilala ang suspek na isang babaeng Thai National na nasa edad 34 na isang taon pa lamang sa Taiwan.

Ngunit ayon naman sa suspek ay wala umanong malisya sa kanyang paghalik sa bata. Naalala lang daw niya ang mga bata sa kanilang bansa na cute katulad sa biktima.

Nahaharap ngayon sa "sexual harrasment ang suspek ayon kay  Taoyuan City Police Chief Chen Guojin.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive