General Information and other helpful jobs

Bilang ng COVID-19 sa Pilipinas lumagpas na sa mahigit 28,000 matapos magtala ng 661 na bagong kaso

Manila (Hunyo 19, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa mahigit 28,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon.

Ngayong araw ay nagtala ng 661 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Ngunit nilinaw naman ng ahensya na 460 lang ang bagong kaso at 201 naman ang delayed ang validation. Sa ngayon ay nasa 28,459 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 288 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 7,378 ang mga gumaling mula sa sakit ng COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 14 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,130 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at sinundan ng Cebu.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive