General Information and other helpful jobs

Death toll of Filipinos in Saudi Arabia due to COVID-19 climbed to 107 cases


Taipei (Hunyo 22, 2020)- Umabot na sa 353 ang kabuuang bilang ng mga labi ng mga Pilipinong nasa Saudi Arabia, na hindi pa naiuuwi sa Pilipinas simula ng pumutok ang COVID-19. Ito'y kinumpirma ngayong Lunes ni Ambassador Adnan Alonto.

Sa televised briefing nitong Lunes ni Alonto sinabi niyang umabot na sa 107 ang kabuuang bilang ng mga OFW namatay dahil sa COVID-19 at nasa 246 naman ang nasawi sa ibat-ibang dahilan tulad ng krimen at " natural causes".



“Nagkaroon po tayo ng backlog, so iyon po largely ang naging cause. Even up to now the flights are very limited and I understand ang isang plane full of passengers can only accommodate not more than three human remains dahil napakainit po ngayon dito sa Saudi Arabia, pagka mainit na mainit talaga kailangan medyo i-balance din yung load ng eroplano." ayon kay Alonto.

kinumpirma rin ni Alonte na kamakailan ay hiniling na gobyerno ng Saudi sa Pilipinas na iuwi na ang nasa 282 mga labi. Ngunit kung matatandaang noong Linggo ay sinabi rin ng Palasyo, na lahat ng mga OFW na namatay dahil sa COVID-19 ay doon na ililibing alinsunod sa protocol ng IATF.

Nakikipag-ugnayan na ang embahada sa Department of Foreign Affairs at sa iba pang government agencies para sa pagpapa-uwi ng mga labi mula sa Saudi Arabia. Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Palasyo sa mga naulilang pamilya.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive