General Information and other helpful jobs

Death toll of Pinoys around the world due to COVID-19 rises to 496


Taipei (Hunyo 22, 2020)- Ulat hinggil sa kabuuang bilang ng mga Pinoy na nahawaan at namatay dahil sa COVID-19 sa ibat-ibang panig ng mundo umabot na sa mahigit 6,000 ayon sa Department of Foreign Affairs.

Base sa datos ng DFA kahapon ng Linggo ay umabot na sa 496 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na namatay sa buong mundo at tinataya namang nasa 6,414 na ang kabuuang bilang ng nahawaan.


Ang Middle East pa rin at ang African Region ang nangunguna sa may pinakamaraming bilang ng mga Pinoy na nahawaan ng COVID-19 na umabot na sa 3,945 na kaso. At 1,692 na recovires at 236 ang nasawi.

Samantala sa Europe ay umabot na sa 937 ang kabuuang bilang ng nahawaan, na may 305 reocoveries at 94 ang nasawi.


Sa Amerika naman ay umabot na sa 685 na mga Pilipino ang nahawaan at may 373 recoveries. Sa ngayon ay umabot na sa 164 ang namatay doon.

Pinakamababang bilang naman ang sa Asia Pacific Region na nagtala lamang ng 574 na kaso at 492 rito ang gumaling at 2 ang namatay.

Kahapon ng Linggo ay nagtala ang DFA ng bagong 11 recoveries, sa kabuuan ay umabot na sa 2,862 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive