General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Filipina crew commits suicide while awaiting repatriation:DFA




Manila-Isang Pilipina na nagtatrabaho bilang isang crew sa isang Royal Caribbean's Harmony of the Seas cruise ship ang nagpakamatay ayon sa pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin nitong Huwebes.

Ang nasabing 29 anyos na pinay crew ay natagpuang wala ng buhay sa kanyang cabin itoy matapos na pansamantalang suspindihin ng Philippine Authorities ang biyahe ng mga barko pabalik ng Maynila dahil sa pandemyang Covid-19.

Ito ang tinatayang pangalawang insidenti ng pagpapakamatay ng pinay migrant worker.Matatandaan noong May 23, isang pinay kasambahay na nagtatrabaho sa Lebanon ang tumalon sa kanyang kwarto habang kasama ang dalawang OFW's sa Philippine Overseas Labor and Office shelter.

Sa isang tweet nagpaabot ng simpatya si Secretary Locsin sa nagpakamatay na OFW "We are partly reminded that Filipino resillience is no excuse to stretch them to breaking point. Di sila goma,tao sila." I know our quarantine facilities are jampacked just dont know why".dagdag pa niya.

Sa isang local report,ang nasabing OFW ay nakilalang si Ms.Maria Jockson ay empleyado bilang assistant waiter sa isang barko na pansamantalang nakadaong sa Bridgetown Port sa Barbados.

Samantala,sinasabing huling nakita ang pinay noong Martes June 9, habang papunta sa kanyang kwarto.Natagpuang wala ng buhay ang katawan ng biktima sa balkonahe ng kanyang cabin ng ship security, itoy matapos na magsagawa ng pagpapatawag  at ng tawagin ang pangalan ng pinay hindi ito makita kong kaya pina tsek sa ang cabin nito at doon nga  nakitang wala ng buhay ang nasabing crew.Ayon sa report kinumpirma ng isang medical doctor na patay na nga ang nasabing OFW.

Samantala patuloy parin ang isinasagawang imbistigasyon ng kapulisan hinggil sa pangyayari.


Source: Abs-Cbn News
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive