General Information and other helpful jobs

Globally the COVID-19 have already recorded more than 373,000 death and more than 6.2 million Infections


Umabot na sa mahigit 373,000 katao sa buong mundo ang nasawi dahil sa COVID-19 simula ng unang pumutok ito sa China noong Disyembre. Ayon sa datos ng AFP. (3:00 am, oras sa Taiwan).

Sa kabuuan ay umabot na sa 6,220,110 sa buong mundo ang nahawaan ng COVID-19. At tinatayang 2,599,500 na ang gumaling mula sa sakit. Base sa datos na inilabas na AFP na nakolekta sa mga national authorities at impormasyon mula sa World Health Organization.

Pinakamataas pa rin na bilang ng nasawi ay sa Estados Unidos na may 104,658 mula sa 1,797,457 nilang kaso at  nasa 444,758 naman ang kabuuang bilang ng gumaling.

Sumunod naman na lubhang natamaan ang Britanya na may 39,045 ng nasawi mula sa 276,332 nilang kaso, na sinundan naman ng Italya na 33,475 ang nasawi mula sa 233,197 nilang kaso. At sumunod naman ay ang bansang Brazil na may 29,314 na nasawi, at ang France na nasa 514,849 bilang nga mga namatay.

Sa kabuuan, sa Europa ay umabot na 179,040 ang bilang ng nasawi mula sa kabuuang kaso ng 2,166,993.


Ang Estados Unidos at Canada naman ay umabot na sa 112,038 ang bilang ng nasawi mula sa kanilang kaso na 1,889,104.

Samantala ang Latin America at ang Caribbean ay nagtala ng 51,658 ng bilang ng nasawi mula sa kanilang kaso na umabot sa 1,029,284. At sa Asya naman ay nagtala ng 16,629 ng bilang ng namatay mula sa 560,886 nitong kaso.


Sa Middle East naman ay umabot sa 9,628 ang nasawi mula sa 413,951 nilang kaso. At ang Africa naman ay umabot na sa 4,314 ang bilang ng nasawi mula sa kanilang kaso na 151,339.

Samantala ang Oceania naman ay nagtala lamang ng 132 na patay mula sa 8,574 nilang kaso.



Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive