General Information and other helpful jobs

Gobyerno ng Taiwan magbibigay ng NT$20,000 na pabuya para sa makapagtuturo ng kinaroroonan ng mga TNT


Sa mga TNT at mga nagbabalak mag-TNT doble ingat po kayo ngayon sa Taiwan dahil seryoso ang gobyerno nila ubusin ang lahat ng mga "Over stay" sa bansa nila.

Ngayon Hunyo ay matatapos na ang "Amnesty Program" ng gobyerno at sa pagtatapos ng programa ay inanunsyo ng ahensya ng Ministry of Interior na magbibigay sila ng pabuya na aabot sa NT$20,000 sa kung sino man ang makakapagturo ng mga TNT  sa Taiwan.

Ayon sa MOI, kapag ang isang informante ay nakapagturo ng isang TNT ay may pabuya siyang NT$2,000 at NT$5,000 naman sa 4-6 na mga TNT.

At kapag nakapagturo naman ng 7-9 na TNT ay may pabuya na NT$10,000. 

Samantala, NT$20,000 naman para sa makakapagturo ng mga TNT na hindi baba sa 10 katao.

At magbibigay rin ng NT$1,000 para sa makakapagtuturo ng "cross boarder marriage matchmaking" na ginagawa ng ilegal brokers.

Hindi kasali sa pabuya ang mga empleyado ng employment agency o brokers.
Share:

1 comment:

Loading...

Blog Archive