General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

GOOD NEWS: Taiwan is now open for International Layovers


Isa pang good news ngayong araw dahil kahapon, Hunyo 24, sa Press Briefing ng Central Epidemic Command Center (CECC) ay pinapayagan na ng bansang Taiwan ang "layover" o "transfer" ng mga international flights.

Ayon kay Transportation and Communications Minister Lin Chia-lung simula ngayong araw ng Hunyo 25, ay bukas na ang Taouyuan International Airport para sa mga "International Layovers or Transfers". Ito'y inihayag niya kahapon kabilang na ang Civil Aeronautics at Taoyuan Airport Corporation.

Samantala nagbigay naman ng mga panuntunan ang CECC sa pangunguna ni Deputy Chief Chen Tsung-yen. Ang mga "transfer passengers" ay maari lamang magtagal ng walong oras sa paliparan at ilalagay sa isang isolation area. At sa mga pasahero na mag-transfer na "less an hour" ay dadaan sa ibang linya at hindi ihahalo sa mga magtatagal sa paliparan. Kabilang na ang mga "special authorized staff" na magbebenta ng mga pagkain at dury-free product.

Ayon la kay Chen ang CECC ay patuloy na babantayan ang sitwasyon sa paliparan at maaring magbago ang mga regulasyon "every two weeks" kung kinakailangan.
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive