General Information and other helpful jobs

GOOD NEWS: Taiwan will accept foreign entry applications starting June 29


Magandang Balita, dahil simula sa Hunyo 29 ay muling bubuksan na ng Taiwan ang kanilang pintuan para sa mga Foreign National at maari ng magsumite ng mga "entry permit" subalit hindi kabilang ang mga "turista" o mamasyal lang.

Ayon sa press briefing ni Central Epidemic Command Center Deputy Chief Chen Tsung-yen kahapon, Hunyo 24, 2020. Kahit saang bansa na Foreign National ay maaring ma-apply ng entry sa Taiwan, hindi kabilang ang mga turista at mga "social visit".

Isa sa mga pangunahing kailangan bago makapasok sa Taiwan ay ang "Negative Test Result" ng COVID-19 na isasagawa tatlong araw bago lumipad pa Taiwan. At lahat ng papasok sa Taiwan ay sasailalim pa rin sa mandatory 14 days quarantine. At muling sasailalim sa pagsusuri ng COVID-19 bago i-released, ayon sa opisyal.

Kabilang sa mga pinayagan maka-apply ng entry permit ay ang mga taga Hong Kong at Macau.

Matatandaang  noong Marso 19 ay tuluyan ng isinara ng Taiwan ang kanilang mga paliparan at pantalan sa mga Foreign National dahil sa banta ng COVID-19.

Source: TAIWAN NEWS
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive