General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang lalaki ipinagpalit ang kanyang sasakyan para lang makapagbigay ng relief goods sa mga mahihirap





Si Mark Lorenze Bas na taga Talisay City, Cebu ay namigay ng mga relief goods sa mga mahihirap na kababayan. Ipinakita niya ang tunay na malasakit at pagmamahal sa kapwa matapos niyang sinakripisyo ang kanyang sasakyan na 1993 Mitsubishi Lancer sa Cebu Barter Community. Sa halagang 125,000 na mga relief goods (noodles, canned goods, at mga sako ng bigay)  kapalit ng sasakyan ni Mark ay nakatulong siya sa mga mahihirap na pamilya sa Cebu.

Sa isang Facebook post ni Mark ay sinabi niya na handa siyang tumulong sa mga mahihirap na nangangailangan lalo na ngayon sa panahon ng COVID-19 pandemic. Maaaring mag message lamang sa kanyang Facebook account at magbibigay siya ng relief goods.

Sa ulat ng Cebu Daily News, si Mark ay nakaranas din ng mga paghihirap sa buhay kaya nais din nitong makatulong sa kapwa na nangangailangan.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive