General Information and other helpful jobs

Isang OFW sa Thailand nagpatiwakal dahil sa depression


Isang Pilipinong guro ang nagbigti sa balkonahe ng kanyang tinitirhang apartment sa Northaburi.

Si Melvin Cacho, 27 taong gulang, ay nagpakamatay gamit ang isang power cord para maitali ang kanyang leeg sa ibaba ng isang air compressor sa kanyang nirerentahang apartment noong Martes, June 2. Ang kanyang labi ay nakita at dinala ng mga pulis noong Meyerkules ng hapon, June 3.


Si Cacho ay nagtrabaho bilang isang guro sa isang pampublikong paaralan na ilalim sa Chulalongkorn University Nonthaburi Project.
Sa imbestigasyon ng  mga awtoridad, mayroong mga nakitang suicide letters sa loob ng kanyang kwarto.

“So stress, anxiety, paranoid, family, problem, job problem, money, failed dream. I can’t do this anymore. It hurts,” sabi niya sa isang sulat.


“My only wish before ako mamatay, ay simple lang. pakihatid nalang ng mga gamit ko at ipabagahe pauwi ng Pilipinas para naman may pasalubong si mama. Ilang taon din akong hindi nakauwi, ang daming pangyayari sa paligid. COVID, no work, no pay, no job, wala lahat. Di ko na kaya…”

“Hindi ko na po alam ang gagawin ko dito sa Thailand. Hindi na ako makakain, di manlang ako makauwi sa Pinas,”, dagdag pa niya.

Ang kaso ng pagpapakamatay ni Melvin Cancho ay naireport na sa Philippine Embassy at Department of Foreign Affairs in Manila.



Mga sulat ni Cacho bago ito magpatiwakal.




Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive