General Information and other helpful jobs

Isang Pinay na lumipad pa Hong Kong positibo sa COVID-19


Hong Kong (Hunyo 7, 2020)- Isang Pinay na bumiyahe sa Hong Kong mula Pilipinas ang nagpositibo sa COVID-19 ayon sa Center for Health Protection ng Hong Kong.

Ayon sa report, dumating ang Pinay na nasa edad 25 noong Hunyo 6 at asymptomatic ito at hindi nakitaan ng anomang sintomas. Kasalukuyang naman naka-confine na sa Princess Margaret Hospital ang bagong pasyente.

Hunyo 4 pa ng huling nakalabas sa ospital ang huling naitalang OFW na nahawaan ng COVID-19. Matatandaang mahigit 20 ka mga OFW ang nahawaan sa Hong Kong. Sa ngayon ay 1,107 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Hong Kong
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive