General Information and other helpful jobs

Isang Tesla car sa Taiwan ang bumangga sa nakataob na food delivery truck

Photo courtesy of UDN

Isang kotse ng Tesla ang bumangga sa isang bumaliktad na food delivery truck sa may kahabaan ng National Highway (Freeway 1) 268.4 kilometers sa South Taiwan na nasasakupan ng Chiayi County.

Base sa inisyal na imbestigasyon, habang nakatayo sa may center island at naghihintay ng rescue ang driver ng truck  ay bigla namang bumangga ang isang humaharorot na Tesla car sa nakataob na food delivery track.

Ayon sa driver ay mabilis umano ang takbo ng kotse kaya pasok ang ulo ng kotse sa loob ng truck. Sa kabutihang palad ay ligtas naman ang driver ng Tesla Car. 

Iniimbistigahan pa ng mga awtoridad kung bakit mula sa malayo ay hindi natanaw ng driver ng Tesla ang tumaob na food delivery truck.

Panoorin!!!

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive