Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay may bagong panuntunan na sa bawat uuwing stranded na pasahero sa Metro Manila kabilang na ang mga OFWs. Ang mga uuwi sa probinsya ay kailangan ng dumaan sa bagong "SWAB TEST" bago pa man tumulak sa probinsya. At kailangan munang antayin ang resulta bago payagang makauwi.
At dahil sa bagong regulasyon ay inaasahang mas lalo pang dadami ang bilang ng mga stranded sa mga quarantine facilities ng gobyerno matapos baguhin ang panuntunan. At isa pa sa magpapdagdag ng bilang dahil ang Eastern Visayas ay pansamantalang itiniggil ang pagtanggap ng mga stranded na pasahero mula sa Manila kabilang na ang mga OFWs.
Pero nilinaw naman ng Malacanang na tanging Eastern Visayas lang ang pansamantalang hindi tatanggap ng mga stranded at ang ibang probinsya ay tuloy pa rin ngunit dadaan na sa bagong regulasyon.
No comments:
Post a comment