Taipei (Hunyo 14, 2020)- Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang hilagang-silangang bahagi ng Taiwan kaninang alas 4:19 ng umaga, base sa datos na inilabas ng Central Weather Bureau (CWB).
Naitala ang epicentro ng lindol sa 85.3 kilometro sa Timog-silangang bahagi ng Yilan County Hall na may lalim na 54.8 kilometro.
Naramdaman ang Intensity 3 sa mga lugar ng Yilan County, Hualien County, Nantou County, Hsinchu County, Taitung County, Yunlin County, at Chiayi County.
Intensity 2 naman sa mga lugar ng
Taipei City, Taoyuan City, Keelung City, Taichung City, New Taipei City, Miaoli County, Changhua County, Chiayi City, Kaohsiung City, at Tainan City.
At intensity 1 naman sa mga lugar ng Hsinchu City, Pingtung County, at Penghu County.
No comments:
Post a comment