General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Mayor Han Kuo-yu has attended his last municipal meeting after the successful ouster



Kaohsiung, Taiwan (Hunyo 9, 2020)- Pinangunahan ni Kaohsiung Mayor Han Kuo-yu ang 477th at huling municipal meeting niya ngayong araw ng Martes. Naging emosyonal ang iba at sinalubong ng magsigabong palakpak ng mga opisyal at empleyado ng City hall ang huling pag-attend niya sa meeting.

Matatandaang ihain ang recall protest matapos umabot sa 574,996 na lagda, na naging daan upang iakyat sa Election Committee. At noong Sabado ay nagdesisyon na ang mga taga-Kaohsiung. Sa kabuuang 969,259 na mga botante ay 939,090 ang bumoto na alisin na sa pwesto si Mayor Han at 25,051 ang hindi pumabor.


Ito ang pinakaunang pagkakataon na naging matagumpay na natanggal sa pwesto ang isang opisyal sa Taiwan. Ito rin ang pinakaunang kaso na may na-recall na mayor sa loob ng 25 years ayon sa Election Committee.

Si Han ay isa kumandidato bilang presidente nitong taon ngunit natalo siya ni President Tsai Ing-wen sa pamamagitan ng "landslide victory." Naging kontrobersyal rin ang mayor dahil sa kanyang "anti-migrant remark", mga pamumuna sa pamumuno ni President Tsai Ing-wen at ng DPP sa bansa at ang kanyang mga adhikain sa Taiwan kapag siya ang bilang presidente. 

Si Han ang naging manok ng KMT party noong Presidential election at kilala rin siya at ang kanilang partido bilang Pro-China.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive