General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Parts of Eastern and Central Visayas are now the new Emerging Hotspot of COVID-19


Taipei (Hunyo 25, 2020)- Bukod sa probinsya ng Cebu at Cebu City, ilang lugar sa Eastern Visayas tulad ng probinsya ng Samar, Leyte, Southern Leyte, at Ormoc City ay itinuturing ng Emerging Hotspot ng COVID-19 ayon sa Department of Health.

Kinausap na ng mga opisyal ng bawat probinsya ang DILG upang pansamantalang ipahinto ang Programang "Balik Probinsya" kung saan lahat ng mga stranded mula sa Manila kabilang na ang mga OFW ay bawal lang muna umuwi sa Eastern Visayas.

Sa pakikipagdayalogo ni DILG Sec. Eduardo Año  sa ilang opisyal ng Eastern Visayas ay kaagad naman tinanggap ng kalihim ang hiling ng mga opisyal dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19  sa rehiyon.

“Ang request nila ay magkaroon muna ng suspension ang pagdadala ng LSI sa Region 8, habang dine-declog nila ang kanilang quarantine facilities. Sa ngayon puno ang kanilang isolation facilties kung dadating ang mga maraming LSI ang problem papaano nila i-quarantine ang mga LSI. Ayaw naman nila na home quarantine kasi di sila sigurado kung lalabag sa protocol. I am going to accede and accept their proposal”.  pahayag ni Sec. Año.

Base sa datos ngayong alas 8 ng gabi, mula sa  Department of Health- Eastern Visayas Center for Health Development (DOH- EV CHD) ay pumalo na sa 467 ang kabuuang bilang ng COVID-19  sa rehiyon. Ngayong araw ay nagtala ng 16 na bagong kaso, kung saan pinakamarami ay mula sa Southern Leyte. At tinatayang nasa 80 namang mga Medical workers at doctor ang nahawaan na ng naturang sakit.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive