General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

PH Gov't has started giving the second wave of cash assistance

Image for representation only 

Taipei (Hunyo 17, 2020)- Simula ngayong araw ay sisimulan na ang pamimigay ng distribution of cash assistance sa ilalim Social Amelioration Program ayon sa  Department of the Interior and Local Government (DILG).

Base sa pahayag kahapon ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya ang pilot payout ay magsisimula sa Benguet sa Cordillera Administrative Region (CAR).

“Bukas nga po ay may pilot distribution payout na po ang DSWD [Department of Social Welfare and Development] sa Benguet sa Cordillera Administrative Region. Doon po magsisimula at sunod-sunod na po ito hanggang sa June 23,” pahayag ni Malaya.

Ayon rin kay Malaya, tinatayang nasa 4.2 million ang “waitlisted” at “left out“  families as beneficiaries sa programa.

“Through our coordination with the DSWD, nakalap na po natin 'yung numero at pangalan ng mga head of the households na mga waitlisted at mga left out families sa buong bansa. At sa huling datos na ibinigay sa atin ng mga local government units, nasa 4.2 [million] na ho ang numero ng pamilyang ito,” dagdag pa niya.

Kinumpirma rin ni Malaya na kahapon ay nagkaroon ng Orientation sa mga local governments operation officers para sa distribution ng cash assistance.
Kasama sa mga dumalo ay ang mga Provincial directors ng Philippine National Police at mga police personnel na tutulong sa DSWD ng distribution para sa mga beneficiaries.

Sa ilalim ng Social Amelioration Program, low-income families ay mabibigyan ng cash assistance na P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan.

Ang pangalawang tranche ay bahagi pa rin ng P200 billion program ng gobyerno.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive