General Information and other helpful jobs

Philippine Gov't pleaded the Saudi Gov't to give an ample time in repatriating the more than 200 corpses


Gobyerno ng Pilipinas umapela sa Kingdom ng Saudi Arabia na bigyan pa ng kaunting palugit sa pagpapauwi ng mga labi ng mga OFWs na namatay sa Middle East sa gitna ng pandemic COVID-19.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakatanggap sila ng mensahe mula sa Saudi Government na binigyan ang Pilipinas ng 72 oras upang iuwi ang nasa 282 mga bangkay, at nasa 50 dito ay namatay dahil sa COVID-19. 

“The Saudi government has advised the Department of Foreign Affairs (DFA) and the Philippine Overseas Labor Office (POLO) there to bring home our dead OFWs within 72 hours. Ang sabi ng Saudi government, kung hindi natin iuuwi, ililibing na nila doon. The DFA requested for more time to bring them home. Mukha namang positive ang reaksyon ng Saudi government,” base panayam ng TFT kay Sec. Bello.

Alinsunod sa protocol ng IATF, hiniling ng gobyerno ng Pilipinas sa gobyerno ng Saudi na ilibing nalang doon ang nasa 50 mga bangkay na namatay dahil sa COVID-19.

“Ang decision ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) ay iuwi lang natin yung 232, yung paglilibing agad sa COVID-19 deaths kasi is non-negotiable, per IATF. Too risky to bring them home, Matagal na tayong tumigil [pansamantala sa pagrepatriate ng mga namatay na Filipino] mula noong nagkaroon ng lockdown,” dagdag ni Sec. Bello.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive