General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Philippines cases of COVID-19 exceeded to 30,000 after 653 new cases recorded


Manila (Hunyo 21, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa mahigit 30,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon.

Ngayong araw ay nagtala ng 653 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Ngunit nilinaw naman ng ahensya na 415 lang ang bagong kaso at 238 naman ang delayed ang validation. Sa ngayon ay nasa 30,052 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 243 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 7,893 ang mga gumaling mula sa sakit ng COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 19 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,169 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

"Today's fresh cases are based on the daily accomplishment reports submitted by only 45 out of 59 current operational lab," ayon sa DOH

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at sinundan ng Cebu.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive