General Information and other helpful jobs

Philippines received another 500,000 face masks and volume of medical supplies from Taiwan


Bansang Pilipinas nakatanggap ng karagdagang panibagong donasyon mula sa bansang Taiwan.
Base sa post Taiwan Economic Cultural Office sa Pilipinas dumating kahapon sa Pilipinas lulan ng Eva Airways ang aabot 500,000 surgical face masks, 50,000 N95 masks, 20,000 scrub suits, 5,000 sets of protective suits at mga medical supplies.

Pinangunahan kahapon ng Huwebes, Hunyo 11, ang seremonya ng pagtanggap ni Cesar Drilon Jr., director ng Manila Economic and Cultural Office at mga kinatawan ng Department of Health, Philippine National Police, Philippine Coast Guard (PCG), Chinese General Hospital and Medical Center, National Kidney and Transplant Institute.

Matatandaang noong Abril 15, ay aabot rin sa 300,000 na face mask ang ibinigay ng bansang Taiwan sa Pilipinas bilang bahagi ng  kanilang programa na "Taiwan can help" kung saan ibat-ibang bansa sa buong mundo ang nakatanggap ng libreng face mask at iba pang mga medical supplies.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive