General Information and other helpful jobs

Pro Han Kuo-yu protester are set to hold a big rally in Taipei


Taipei (Hunyo 9, 2020)- Nakatakada namang magsagawa ng isang kilos protesta ang mga supporter ni Former Mayor Han Kuo-yu sa harap ng Presidential Palace ngayong darating na Linggo upang ipaabot ang kanilang pagkadismaya at pagpapabaya umano ni Presiden Tsai Ing-wen sa mga nangyari at pagkokondena umano sa pagmamanipula ng DPP na kalabang partido ng KMT.

Ayon sa grupo hindi makatarungan ang ginawang recall lalo pa na, nagpakamatay ang City Council Speaker nila dalawang oras matapos matalo si Han sa isanagawang recall. Tumalon mula sa kanyang  apartment si Kaohsiung City Council-Speaker Hsu Kun-yuan noong Sabado.

Ayon sa "Third Force 333 Political Party Solidarity Alliance". Nais nilang iprotesta ang kakulangan ng aksyon ng opisina ng Prisedente at hustisya para sa pagkamatay ng kanilang City Council Speaker. Nakatakdang magsagawa ng rally ang grupo ni Han sa mga tanggapan ng Presidential Office, the Executive Yuan, at the Legislative Yuan ngayong darating na Hunyo 13, 2020.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive