General Information and other helpful jobs

Region 7 cases of COVID-19 is rapidly increasing to 4,479 after 288 new cases has been recorded


Taipei (Hunyo 23, 2020)- Region 7 na ang nangunguna sa may pinakamaraming bilang ng COVID-19 sa bansa. Ngayong araw ng Martes ay nagtala ng 288 na bagong kaso ang rehiyon.

Ang Cebu City ay nagtala ng 30 na bagong kaso ngayong araw, sa kabuuan ay umabot na 4,479 ang kaso ng COVID-19 sa Siyudad at nasa 2117 ang mga gumaling at 89 ang nasawi. Base sa datos ng DOH Region 7.

Samantala ang Lapu-Lapu City naman ay nagtala ng 42 na bagong kaso ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 304 ang kaso. Ayon kay Lapu-laupu City Mayor Junard Chan.

Sa pangkalahatan ay nagtala ng 1,150 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Ngunit nilinaw naman ng DOH na 789 lang ang bagong kaso at 361 naman ang delayed ang validation. Sa ngayon ay nasa 31,000 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.


Samantala nagtala naman ng 299 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 8,442 ang mga gumaling mula sa sakit ng COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 9 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,186 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19



Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive