General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Senator Gordon urged DOTC to use Subic International Airport for repatriation of OFWs


Bilang paghahanda sa pagdating ng aabot sa 300,000 na mga OFWs sa susunod na buwan ay iminungkahi kahapon ng Linggo, Hunyo 21, 2020 ni Senador Richard Gordon ang pagbubukas ng Subic Bay International Airport (SBIA). 

Ayon sa Senador ang paliparan ay may kakayahang tumanggap ng mga international flights at meron itong testing facilities para sa COVID-19. 

Aniya ang bagong bukas na PRC molecular laboratory sa Subic at Clark, kapag pinagsama ay kayang abutin ang capacity na 4,000 tests araw-araw.

“Kahapon kinausap ko si [Transportation] Secretary [Arthur] Tugade at sabi ko ‘Art, matagal ka nang nangangako sa’kin, buksan mo na ‘yung airport ng Subic para diyan mag-landing ‘yung ibang OFWs para ma-test na sila kaagad-agad,’” ayon kay Gordon.

Dagdag pa ni Sen. Gordon na mas mainam sa Subic dahil mas kalmado ang tubig at madali itong mapapasok ng Coastguard kaysa sa Manila Bay.

“Dati sa Manila Bay sila nagte-test, ang hirap pumasok. Sa Subic, kalmado ang tubig kaya mas madaling pasukin ng Coast Guard ‘yung mga barko para makapag-swab sila sa mga seafarers,” he explained.

Ayon kay Sen. Gordon kapag binuksan ang SBIA ay dagdag turismo rin ito sa kanilang lugar. 

“Once we have tested everybody here we can advertise to the whole world, ‘We have already tested all the employees here, we have tested everyone here so now you are welcome to come down here’ and jobs can be generated right away,” dagdag ni Senador Gordon.

Matatandaang nasa 500 milyon ang inilaan na pondo noong 2019 ni Senador Gordon para sa rehabilitasyon ng SBIA.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive