General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

SSS will give 20,000 pesos to members who lost jobs due to pandemic COVID-19 including OFWs


Magandang balita ang hatid ng Social Security System para sa kanilang mga miyembro dahil ang lahat ng nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na COVID-19 ay makakatanggap ng benepisyo na aabot sa halagang 20,000 pesos.

Inanunsyo ngayong Martes, Hunyo 9, 2020 ni SSS Public Affairs and Special Events Division head Fernando Nicolas na makakatanggap ng benepisyo mula sa SSS ang mga nawalan ng trabaho at makukuha ay katumbas ng kanilang buwanang sahod. Ayon sa opisyal ay kailangan lang magpresenta ng Certification mula sa DOLE.

“Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga, Ang kailangan lang nilang i-present ay ‘yung certification galing sa DOLE na sila ay involuntarily separated. Tapos i-present nila ‘yung savings account kung saan natin ide-deposit,” dagdag pa ni Nicolas.

Nilinaw naman ni Nicolas na ang miyembro ay makakatanggap pa rin ng benepisyo kahat na ito'y nakatanggap ng amelioration na bigay ng gobyerno. At dagdag pa niya na matatanggap agad ang benepisyo sa loob lamang ng limang araw.

Samantala ang mga OFW na nawalan ng trabaho ay kailangan kumuha ng Certificate mula sa Philippine Overseas Employment Office (POLO) at hindi sa DOLE.

Nilinaw naman ng opisyal na ang miyembro na nakarehistro bilang "Self Employed" ay hindi kabilang sa bibigyan ng benepisyo.


Share:

1 comment:

  1. ofw po ako na lock down po ako d2 sa pinas dpo ako mka pag byad ng papel n wl narin po pang po pwede mag aply para mka hingi ng gulong kahit paanu po

    ReplyDelete

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive