General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan has left 9 patients in 51 days without local case of COVID-19


Ngayong araw ng Martes, Hunyo 2, 2020. Base sa inihayag sa Presscon ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan ay walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang bansa.

Kahapon ay kinumpirma ni Head Health and Welfare Chen Shizhong na nagdagdagan ng isang imported na kaso ng COVID-19 ang bansa. Ayon sa datos ang bagong kaso ay isang babae na nasa edad 50 na bumiyahe noong Marso patungong Estados Unidos at bumalik sa Taiwan noong Mayo 31. Bago pa man makapasok sa bansa ay inabisuhan na niya ang mga awtoridad ng Taiwan sa kanyang sitwasyon dah nakaramdam na umano ng mga sintomas Mayo 18 pa lamang at Mayo 21 ay tuluyan ng nawala ang kanyang pang-amoy at panlasa na senyales ng COVID-19. Pagkalapag kahapon ay agad namang dinala sa Central Quarantine Facility at kasalukuyang naka-confine sa isang ospital.

Pero sa kabila ng dadag imported case ay nanatili pa rin sa 55 ang lokal ng kaso ng COVID-19 sa bansa. At ngayong araw ang ika-51 araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19.

Ngayong araw ay nasa 427 na ang kabuuang bilang na ang mga gumaling. At 9 nalang na mga pasyente ang nanatili ngayon sa mga ospital ayon sa CECC.

Sa ngayon ay nanatili pa rin sa 443 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa at 352 dito ay mga nahawaan sa labas ng bansa, at 55 naman ang local transmission. At pito naman ang binawian ng buhay.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive