General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan has recorded the hottest weather after 124 years


Taipei (Hunyo 29, 2020) - Nagtala ang Taiwan ng pinakamainit na temperatura ngayong araw ng Lunes. Umabot sa 38.9 degrees Celsius ang init na naramdaman kaninang 1:15 pm. Ito daw ang pinakamataas na temperaturang naitala sa loob ng 124 na taon, mula ng itayo ang Central Weather Bureau noong 1896.

Ang mataas temperatura ay bunsod ng Pacific high pressure system, prevailing hot dry southwest winds, at geographical features ngTaipei Basin, ayon sa CWB.

Sa ibang parte naman ng bansa ay naramdaman ang 36 degrees sa mga lugar ng New Taipei, Hsinchu, Taichung, Changhua at Kaohsiung. 

Samantala tatlong araw na rin nakakaranas ng 36 degrees na temperatura ang mga lugar ng Hualien, Changhua, Nantou, Yunlin, at Kaohsiung na inilagay sa "Orange Warning" at "Yellow Warning naman sa New Taipei, Taoyuan, Hsinchu, Miaoli, Taichung, Taitung and Yilan.

At para sa kaalaman, ang Taiwan ay nasa "summer season" na, na nagsisimula sa Hunyo hanggang Agosto kaya asahan pa ang mas mainit na temperatura hanggang sa buwan ng Agosto.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive