General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan marks its 60th day without a local case of COVID-19 with 5 patients left


Taipei (Hunyo 11, 2020)- Malapit na maging COVID-19 Free ang bansang Taiwan, base sa datos  inilabas kahapon ay nasa 5 nalang na mga pasyente ang nasa mga ospital sa bansa. Ngayong araw rin ang ika-60 na araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19 ang Taiwan.

Nanatili pa rin sa 443 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa. Sa kabuuan ay umabot naman sa 352 ang bilang ng imported na kaso sa bansa at nanatili sa 55 ang lokal na kaso. At 36 sa nagpositibo ay mula sa hanay ng Navy na bumiyahe mula sa Palau.



Ito na rin ang limang araw mula ng nagbalik normal ang bansa noong Linggo.Kung saan niluwagan na ang mga regulasyon kaugnay sa COVID-19. Hindi na obligado ang mga tao na mgasuot ng face masks ngunit kailangan pa rin mag-ingat at kung maari ay gawin pa rin ang social distancing ayon sa pamunuan ng CECC.
Share:

1 comment:

Loading...

Blog Archive