General Information and other helpful jobs

Philippines has recorded more than 38,000 recoveries from COVID-19, says DOH


Hsinchu (Hulyo 31, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa mahigit 89,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon.

Nagtala ng  3,954 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Nilinaw ng DOH na 1,320 ang fresh case at 2,634 ang delayed validation. Sa ngayon ay nasa na 89,374 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 38,075 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 65,064 ang mga gumaling mula sa sakit na COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 23 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,983 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Pinaliwanag naman ng DOH kung bakit ganoon kataas ang bilang ng mga gumaling. Ayon sa DOH ay nagkakaroon ng reconciliation sa kanilang mga datus at ang mga asymptomatic at mga nakatapos na ng 14 days quarantine period ay itinuturing na gumaling na mula sa COVID-19.

At ayon rin sa ahensya, updated na ang kanilang datus dahil ang mga ospital at laboratoryo ay direkta ng nakakapagasok ng kanilang mga data sa COVIDkaya platform kung saan real-time ang datus na makikita.


Share:

A Taiwanese was arrested after refusing to pay NT$1 million for violating the 14 days home quarantine


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 30, 2020)- Inaresto ang isang Taiwanes sa Taoyuan City matapos itong tumangging magbayad ng NT$1 milyon dahil sa paglabag sa quarantine rules ayon sa Taoyuan Branch of the Administrative Enforcement Agency.

Si Li na nasa edad 22 ay umuwi ng Taiwan noong Pebrero 29 mula sa Xiamen, China at base sa protocol ng bansa ay dapat sasailalim sa 14 days home quarantine ngunit base sa imbestigasyon ay apat na beses itong lumabas ng bahay. Kaya naman pinatawan siya ng NT$1 million multa.

Ayon sa mga awtoridad ay naka-freeze ang mga asset at account ng suspek, ngunit aabot lamang sa NT$2,737 ang nakuha rito dahil inilipat na ito umano sa ibang mga pangalan bago pa magawa ang pag-freeze sa kanyang mga ari-arian.

Ayon sa mga awtoridad ay tumawag pa umano si Li sa Taoyuan Court at ipinagmalaki na marami siyang ari-arian na inilipat na kung saan-saan at nagmatigas na hindi ito magbabayad sa multa.

Kaya naman noong Miyerkules habang palabas ng kanyang bahay kasama ang mga kaibigan ay inaresto si Li at makukulong ng tatlong buwan at multang NT$1 million.

Siya ang kauna-unahang inaresto matapos hindi magbayad ng multa na binigay sa kanya noong Marso 12 pa. 
Share:

LOOK: 290 employees of Nidec Philippines tested positive of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 30, 2020)- Aabot sa 290 na mga empleyado ng Nidec Philippines Corporation sa Biñan, Laguna ang nagpositibo sa COVID-19 ayon sa Laguna PIO.

Ayon sa mga awtoridad ay 24 oras na isasarado ang kumpanya dahil sa kasalukuyang kalagayan kung saan marami ang nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang swab testing.

Ang Nidec Corporation ay isa sa pinakamalaking kumpanya sa Biñan, Laguna kung saan kilala sa mga produktong mga Automotive and motorcyle parts.

Share:

Philippines has breached to more than 85,000 cases of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 29, 2020)- lagay ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw ng Miyerkules ay umabot na sa mahigit 85,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), Nagtala ng 1,874 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw kaya naman ang kabuuang bilang ay umakyat na sa 85,486. At 388 na bagong recoveries, sa kabuuan ay umabot na sa 26,996 ang mga gumaling.

Naitala ang pinakamataas na bilang sa Metro Manila na may 728 na kaso, 325 naman sa Cebu, 130 sa Laguna, 67 sa Iloilo at 53 naman sa Rizal.

Ang mga aktibong kaso ay nasa 56,528  na sumasailalim pa rin sa gamutan kung saan 90.1 porsyento ay mild lang, 9 porsyento ay asymptomatic, .05 porsyento ay severe at .04 porsyento ay nasa kritikal na kondisyon. 
Share:

Taiwan proudly announced its 108 days without local case of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 29, 2020)- Magandang balita mula sa CECC Taiwan, ngayong hapon ay malugod na ibinalita ni Minister of Health and Welfare and CECC head Chen Shih-chung na walang bagong lokal na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Matatandaang nagpositibo ang isang Thai migrant worker mula sa Taoyuan kung saan napositibo ito noong Hulyo 25 sa Thailand. At kaagad kumilos ang ahensya upang hanapin ang mga tao at lugar na pinuntahan ng Thai migrant worker at umabot sa 189 ang sumailalim sa COVID-19 testing at ngayong arawa ay lumabas ang resulta  na negatibo ang lahat kaya nanindigan ang Central Epidemic Command Center ngayong Miyerkules na walang lokal na kaso ang bansang Taiwan na nasa ika-108 na araw na.

Sa ngayon ay nanatili pa rin sa 467 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Taiwan kung san 376 dito ay imported at 55 naman ay lokal transmisyon at 36 naman mula sa hanay ng "Goodwill fleet." At pito naman ang namatay. At base sa talaan ng CECC, nasa 441 na ang mga nakalabas sa mga ospital.


Share:

BREAKING: Taiwan's 4 out of 5 new imported cases of COVID-19, came from the Philippines


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Breaking news, apat sa limang bagong imported na kaso ng COVID-19 sa Taiwan ay galing Pilipinas at ang isa ay mula sa Hong Kong ayon sa Central Epidemic Command Center.

Sa kabuuan ayon kay Command center spokesperson Zhuang Renxiang ay umabot na sa 10 ang nagpositibo mula sa Pilipinas kung saan pawang mga Taiwan nationals.

Ang case 463 ay isang lalaki na nasa edad 50 nagtratrabaho sa Pilipinas noon pang Marso 2020 at nitong Hulyo 21 ay nakaranas ng lagnat at iba pang mga sintomas ng COVID-19. Nagpatingin pa daw ito sa Pilipinas ngunit wala namang nakuha na report hinggil sa kanyang kalagayan. At nitong Hulyo 26 ay bumalik siya ng Taiwan at sa Airport palang ay inabisuhan na niya ang mga quarantine officer hinggil sa kanyang kalagayan at agad ito dumaan sa pagsusuri at dinala sa quaratine facilities.

Ang case 464 naman ay isang 30 years old na lalaki na nagtratrabaho sa Hong Kong kung saan nakaranas umano ito ng mga sintomas Hulyo 16 palang at bumalik sa Taiwan noong Hulyo 26.

Samantala ang case 465 naman ay isang 30 years old na lalaki na nagtratrabaho sa Pilipinas simula pa noong Enero at noong Hunyo 19, ay nakaranas daw ito ng mga sintomas ng COVID-19 ngunit ng suriin sa Pilipinas ay nagnegatibo naman daw ito. Pero patuloy pa rin ito nakakaranas ng mga sintomas kaya ng bumalik sa Taiwan noong Hulyo 26 ay agad itong inabisuhan ang mga quarantine officer at dumaan siya sa mga pagsusuri at dinala sa quarantine facilities at ngayong araw ay lumabas ang resulta napositibo siya sa COVID-19.

Ang case 466 at 467 naman ay mag-asawang mga Taiwanes na nasa edad 70, kung saan nakaramdam daw sila ng mga sintomas ng COVID-19 bago pa sumakay sa eroplano kaya naman pagkalapag ay sinabi rin nila sa quarantine officer at idinaan sa pagsusuri at ngayong araw ay lumabas ang kanilang resulta na positibo sila COVID-19.

Ayon sa Central Epidemic Command Center si cases 463,465,466,at 467 ay sakay ng iisang flight pabalik ng Taiwan mula sa Pilipinas. Inaalam ng ahensya kung sino ang mga nakasalamuha ng mga ito sa loob ng eroplano.


Sa Kabuuan ay umakyat na sa 467 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Taiwan, kung saan 376 dito ay tinuturing na imported case at 55 naman ang lokal at 36 mula sa hanay ng Navy na bumiyahe mula Palau.

Simula noong Hunyo 7, ng niluwagan ng ahensya ang regulasyon sa Taiwan at pagbubukas ng kanilang border ay umabot na 20 ang kabuuang imported na kaso ang naitala at 10 dito ay mula sa Pilipinas.
Share:

A man pretending to be female in an online dating apps was arrested after scamming NT$2.1 million


Sa China isang lalaki ang inaresto matapos magpanggap na isang babae sa isang dating online apps.

Base imbestagasyon ng Tianjin police, limang buwan na umano ito ginagawa ng suspek at inaral pa niya umano kung paano magsalita ng babae. At sa limang buwan niyang pangloloko sa Online dating apps ay nakakulimbat siya ng aabot sa NT$2.1 million.

Nagulat ang mga pulis ng mahuli nila ang suspek dahil isa pala itong lalaki na nagboboses babae at may malaking pangangatawan at may mga tattoo pa. Nahuli ang suspek dahil sa isinumbong ito ng huli niyang ka-chat kung saan nag-alok umano ito ng kasal sa kanya at mapirahan ay agad itong blinak sa social media. Doon na sinumbong biktima ang nangyaring scam sa kanya. Kaagad naman nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis at doon ay nahuli ang suspek na isa palang barako.

Umani ng samo't saring reaksyon mula sa mga netizen ang video kung saan pina-demo ng pulis ang kanyang boses babae, at nagulat ang mga pulis dahil sa husay nito. Ginagawa umano ito ng suspek at kumukuha lang ng mga magagandang larawan sa internet na siyang gagamitin bilang front sa kanyang mga ka-chat.

Share:

A man fell to death after jumping from 5th floor in Tainan City


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Isang lalaki ang nahulog mula sa ikalimang palapag ng gusali sa Tainan City ayon sa Tainan Fire Department’s Disaster Relief and Rescue Center.

Dakong alas 7:19 ng umaga ng makatanggap ng tawag ang opisina ng Tainan Fire Department kung saan isang lalaki ang bumagsak sa may canopy ng ikalawang palapag ng gusali.

Ayon sa mga Medical emergency team, may mga sugat sa katawan ang lalaki at labas ang  kanyang mga bituka dahil sa hiwa ng patalim kung saan nakita pa ang isang kutsilyo katabi ng biktima. Kaagad naman isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay.

Sa paunang imbestigasyon ng fifth branch ng Tainan Police Station, wala daw silang nakitang foul play sa biktima at itinuturing nila itong suicide. Base sa imbestigasyon sa asawa, nasa banyo ito at nagsisipilyo ng marinig niya ang isang kalabog at ng lumabas siya ay nakita nalang niya na tumalon na ang kanyang asawa. Inbinunyag din niya meron silang financial problem kaya problemado ito.
Share:

Taiwan experts suggest to bring back the strict regulation against COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Kahapon ay agad pinuntahan ng health and epidemic prevention personnel ng Taoyuan ang factory kung saan nagtrabaho ang Thai National na nagpositibo sa COVID-19.

Samantala pinapayuhan naman ang migrant workers na huwag munang gumala sa Taoyuan area dahil sa hindi pa matukoy kung saan nga ba nakuha ng Thai national ang COVID-19. Ibat-ibang mga dormitoryo sa Taiwan ang nagpalabas na mga babala na huwag muna pumunta sa Taoyuan.

Samantala ilang mga mambabatas sa Taiwan at mga health expert ay lubhang nabahala sa naging balita hinggil sa Thai National, ayon sa kanila ay kailangan daw tingnan ng Ministry of Labor ang kalagayan ng mga migrant worker. At alisin ang barrier sa medical treatment at dapat maging aktibo ang mga ito sa awtoridad at palawigin pa ang screening sa sektor ng migrant worker. Dahil ayaw daw nila mangyari ang nangyari sa Singapore kung saan nagkaroon muli ng outrbreak dahil sa mga foreign workers.

"We don't want Taiwan to have clusters of migrant workers like in Singapore. The Central Epidemic Command Center should prepare for the worst." ayon DPP legislator Hong Shenhan.

Sinabi rin ni Hong na ang mga migrant worker ay walang sariling tirahan kung saan siksikan ang tinutulugan at mabilis ang hawaan ng virus at hirap rin ito makakuha ng medical treatment sa mga ospital. At kung minsan ay kahit may sakit na ay pinapapasok pa rin mga kumpanya at kung saan nagkakaroon ng butas sa pagbabantay kontra COVID-19 at mahihirapan sa contract tracing.

Ayon naman kay Li Mingzheng, director of the Department of Infectious Diseases of Zhenxing Hospital, posible daw na lokal infection ang nangyari sa Thai national dahil asymptomatic ito. At kung mapapatunayan nga na lokal infection ito ay hindi malayo na maraming Taiwanese o nasa Taiwan ang mga asymptomatic sa COVID-19. Kaya iminumungkahi niya sa Central Epidemic Command Center na ibalik na ang mas maigting na regulasyon para maagang maiwasan ang COVID-19 outbreak sa bansa.


Share:

Hong Kong is experiencing the uncontrollable outbreak of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Sa mga nakalipas na limang araw ay hindi bumababa sa 100 ang naitatalang mga kaso ng COVID-19 araw-araw sa Hong Kong ayon kay Zhang Zhujun, Director ng Infectious Diseases Division ng Hong Kong Center for Health Protection.

Kahapon ay nagtala ng 145 na bagong kaso ng COVID-19 ang Hong Kong kung saan 142 ay lokal na kaso at 59 naman ang inaalam pa kung saang mga lugar galing. Ayon kay Zhang, sa ngayon ay nawala sa control ang Hong Kong kaya inaasahan pa daw ang pagtaas ng bilang ng mahahawaan ng COVID-19 at aniya imposible sa ngayon na ma-predict  ang "trend" ng sakit na ito.

Ayon naman sa Hong Kong Health Protection Center, 56 out of 145 sa mga nagpositibo ay mula pagtitipon ng mga pamilya at mga kaibigan at 11 naman ay nakuha sa trabaho at mga restaurant.

Ayon naman kay He Wanxia, ​​chief administrative manager ng Hong Kong Hospital Authority, kahapon ng tanghali ay umabot sa 100 na mga pasyente ang naghihintay sa mga ospital para i-admit at 200 naman ang inilipat sa mga isolation ward, at nasa 10 naman ang inilipat sa mga pasilidad ng  Lei Yue Mun Resort. At kahapon rin dalawa ang nasawi, sa kabuuan ay umabot na sa 20 ang nasawi sa Hong Kong dahil sa COVID-19.

At dahil sa lamalalang sitwasyon ay muling nagpatupad ng mahigpit na regulasyon ang gobyerno ng Hong Kong kung saan bawal muna ang dine-in sa mga restuarant, at pinapayagan lang ang take-out. At bawal na rin ang mga public gatherings, at mula apat noon na pinapayagang magkasama, ngayon ay hanggang dalawa nalang ang pwedeng magkasama, ito'y para sundin ang social distancing at maiwasan ang pagkalat ng virus.

Hinimok naman ng Hong Kong government sa mga employer na gawing work from home muna ang kanilang mga empleyado ng sa ganun ay maging ligtas sila sa virus.

Matapos kahapon ipatupad ang mas pinaigting na regulasyon laban sa COVID-19, nagdagsaan naman ang mga mamili sa mga supermarket sa pangambang baka magkaroon ng lockdown.
Share:

Global Alliance for Vaccines and Immunization is considering to cap the price of COVID-19 vaccine to US$40


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Kamakailan ay ibinalita ng Reuters na ang "Global Alliance for Vaccines and Immunization" (GAVI) ay planong maglabas ng presyo sa COVID-19 vaccine.

Ayon sa Reuters, Pinag-aaralan ngayon ng "Global Alliance for Vaccines and Immunization" (GAVI) ang paglagay ng presyo na aabot sa US$40 bawat dosage ng COVID-19 vaccine. Pero ayon naman kay Seth Berkely, chief executive ng VAVI Vaccine Alliance ay magdedepende raw ang presyo ng vaccine sa mayaman at mahirap na bansa.

Ang GAVI, World Health Organization (WHO),at ang Alliance for Epidemiology Prevention Innovation (CEPI) ay nangunguna sa tinatawag na COVAX Project kung saan layunin nilang magkaroon ng sapat na COVID-19 vaccine naabots 2 bilyon hanggang sa katapusan ng taong 2021. At ayon sa GAVI, sa ngayon ay nasa 75 na mga bansa na ang nagpakita ng interes sa ilalabas na COVID-19 vaccine.

Ayon naman kay Berkely, karamihan ng mga bakuna kontra COVID-19 ay nasa "testing stage" pa at masyado pa daw maaga para malaman kung magkano nga ba ang magiging presyo ng bawat bakuna.

"The truth is, no one knows what the price will be, because we don't know which vaccine is effective." ayon kay Berkely.

Ang tanong daw ngayon ay kung gaano ka epektibo ang bakuna at ilang dosage dapat sa isang tao at saka lang malalaman kung magkano dapat ang magiging presyo ng bawat bakuna.
Share:

Taiwan to confirmed 5 new imported cases of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Matapos magtala ng apat na bagong kaso ng COVID-19 ang bansang Taiwan kahapon kung saan isang Thai migrant worker mula sa Taoyuan ang nagpositibo matapos umuwi sa Thailand noong Hulyo21 at nagpositibo noong Hulyo 25. Ayon sa Central Epidemic Command Center.

Ngayong araw ay muling inanunsyo ni  Command center spokesperson Zhuang Renxiang na may bagong limang imported na kaso ng COVID-19 ang bansa. At mamayang alas-2 ng hapon ay nakatakda ang ahensya sa press briefing upang i-ulat ang bagong kaso.

At mamaya rin hapon ayon sa kalihim ay lilinawin ang issue hinggil sa Thai national na nagpositibo. At kung sakaling makumpirma ng ahensya na sa Taiwan nga nakuha ang COVID-19 ay maituturing itong kauna-unahang lokal na kaso matapos ang mahigit isang daang araw na walang naitatala.
Share:

2 lucky winners have taken the NT$3.17 billion Jackpot prize of Power Lotto in Taiwan


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Umabot sa NT$3.17 billion ang Jackpot prize ng power lotto ngayong hapon matapos itaas ng pamunuan dahil sa pagdami ng tumaya ngayong araw.

At ngayong gabi ay mga lumabas na numero ay 27, 8, 5, 19, 21, 37 at power number ay 2. Ayon sa pamunuan ay dalawa ang nanalo sa Jackpot prize kung saan bawat isa sa kanila ay mag-uuwi ng NT$1,62,473,476.

Samantala aabot naman sa 20 katao ang nakakuha ng 6 digit numbers na makakakuha ng NT$3,655,333. At
aabot naman 205 ang nalalo sa 3rd division na mag-uuwi ng NT$150,000.

Ang jackpot prize ng power lotto na umabot sa NT$3.17 billion ay breaking in history ayon sa pamunuan. Taong 2014 pa ng huling naitala ang pinakamataas na jackpot prize sa Taiwan na umabot sa NT$2 billion.

Sa Huwebes, Hulyo 30, ay babalik sa NT$204,159,308 ang Jackpot prize.
Share:

Almost 6,000 Chickens with H5N5 Avian flu were culled in Yunlin County

The picture is a schematic diagram and a photo of this article

Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Isang Farm sa Yunlin County kinatay ang aabots 5949 na 11-weeks old na mga manok dahil sa pagkakaroon ng H5N5 subtype highly pathogenic avian influenza ayon sa Animal and Plant Disease Prevention and Quarantine Bureau of the Council of Agriculture.

Pinangunahan ng Yunlin County Animal and Plant Epidemiological Institute ang pagkatay at paglinis ng pagligid sa 1 Huangjinji Farm sa Dongshi Township, Yunlin County ngayong araw.


Pinaalalahanan naman ng ahensya ang mga may-ari ng farm na linisin at bigyan ng sapat na aruga ang kanilang alaga gaya ng pagbibigay bakuna at malinis na kapaligiran lalo na daw sa panahon ngayon sa Taiwan na minsan mainit at  minsan naman ay biglang uulan na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit ng mga alagang hayop.

Share:

LOOK: Taiwan has recorded 7 new cases of Dengue Fever


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Nadagdagan ng pito katao ang naitala na nagpositibo sa Dengue ayon kay Spokesperson Zhuang Renxiang ng  Department of Disease Control and Prevention of the Ministry of Health and Welfare.

Ngayong gabi ay kinumpirma ng kalihim na pito sa 64 na dumaan sa pagsusuri sa Chang'an Lane, Taoyuan City ay positibo sa Dengue. Ang mga bagong kaso ay 4 dito ay lalaki at 3 naman babae na nasa edad 14 hanggang 78.

Matatandaang noong Hulyo 10, ng maitala ang unang kaso ng Dengue sa bansa at sinundan naman noong Hulyo 21 ,na ina naman ng naunang pasyente.

Sa kasalukuyan ay umabot na 9 ang kabuuang bilang ng nadapuan ng Dengue at may 56 na imported kaso mulas sa Southeast Asian countries gaya ng Pilipinas at Indonesia.

Share:

Migrant Worker from Taiwan has been tested positive of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Isang Thai national ang nagpositibo sa COVID-19 ayon sa CDC.

Ayon kay Command Center Spokesperson Zhuang Renxiang, ang Thai ay isang migrant worker na nagtrabaho sa Taoyuan na umuwi sa Thailand noong Hulyo 21 at nagpositibo naman sa COVID-19 noong Sabado.

Mula sa ipinadalang ulat ng mga Thai official sa Taiwan ay hindi malinaw kung kelan siya nakaramdam ng sintomas at kung kelan ito sumailalim sa pagsusuri ayon kay Zhuang.

Kaagad naman gumawa ng contact tracing ang ahensya at napag-alaman na
9 lahat na nakasama ng pasyente sa trabaho ay pawang Thai natioanal. Inaalam pa ngayon kung saang mga lugar ang pinuntahan ng Thai migrant worker bago ito umuwi.

Hindi pa madesisyunan ng CECC kung isang lokal nga ba na kaso ng COVID-19 ang nangyari sa Thai national dahil inaalam pa ang lahat ng detalye sa mga opisyal ng Thailand government.


Share:

BREAKING NEWS: Chief of National Center for Mental Health was shot dead in Quezon City


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Breaking News, Chief ng Philippine National Center for Mental Health patay matapos tambangan sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City ayon sa pamunuan ng Quezon City Police.

Patay si Dr. Roland Cortez at ang kanyang driver matapos pagbabarilin sa Barangay Culiat, Quezon City. Matatandaang si Cortez ang nagbunyag sa nangyayaring korapsyon sa loob ng National Center for Mental Health na pinapatakbo ng gobyerno. Hulyo 15, 2019 nang mag-file sa Ombudsman laban kay NCMH chief administrative officer Clarita Avila at 13 iba pang mga akusado dahil sa umano'y P80 million monopolized at diverted project.

Ayon sa salaysay ni Dr. Cortez ang kumpanya na Octant Builders ang naging monopolyo sa mga proyekto ng NCMH, kung saan lumabas mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) na si Avila ay incorporator pala sa nasabing kumpanya.


Ibinunyag rin ni Dr. Cortez na naglabas ng budget ang DOH sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) na nagkakahalaga ng P80 million para sa mga proyekto ng NCMH pero ang na-deliver lang P54 million kung saan hindi naman magamit ang gusali at hindi pa ito tapos.

Ibinunyag rin niya ang pag-divert ng pondo na hindi aprobado ng DBM na nagkakahalaga ng P19 million na para sana sewerage at treatment plant. at ang P25 million CT scan na hindi naman daw functional ayon ayon kay Dr. Cortez.

Matataadang inirekomenda ng NBI na kasuhan ng violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation of public funds through falsification of documents sina NCMH chief administrative officer Clarita Avila, Former Medical Center Chief II Bernardino Vicente, incumbent Clinical Center Chief Dr. Beverly Azucena, Finance Service Chief Dionisio Tolentino, Chief Accountant Dulce Valerio at Budget Officer Godofredo Valles.

Share:

Juana Change nag-ala Harry Roque sa rally ngayon sa UP campus


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Sa ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ay aabot sa mahigit isang libo ang dumalo sa rally sa UP Campus. Isa na dito si Juana Change na nag-ala Harry Roque.

Kilala si Juana Change sa panggagaya tuwing merong nagaganap na rally. Kaanib niya ang mga tinatawag na Dilawan sa Pilipinas at iba pang mga makakaliwang grupo na nag-aanyo partylist sa batasang pambansa. AT ganun rin ang ibat-ibang sektor na pumupuna sa administrasyon.

Sa ika-apat na SONA ng pangulo ay samo't saring mga isyo ang binabato ng mga anti-administrasyon lalo na ang Anti-terrorism Law, pagpapasara ng ABS-CBN at paghawak sa COVID-19 sa bansa.

Share:

Isang raliyesta nahimatay sa init ng panahon sa UP campus


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Natakdang mag-SONA si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa Batasan Pambansa sa Quezon City ngayong hapon, ito na ang kanyang ika-apat na taon ng pag-uulat hinggil sa kalagayan ng bansang Pilipinas.

Bago pa man ang SONA ay kaliwa't kanan na ang mga nagsasagawa ng protesta sa UP Diliman Campus sa Quezon City upang ipahayag nila ang kanilang mga hinaing sa Administrasyong Duterte. Samo't saring isyu ang binabato ng mga makakaliwang grupo, mga dilawan kung tawagin sa Pilipinas. 


Kanina ay pinangunahan ng mga Makabayan-Bloc ang rally na ginaganap sa UP campus at habang nagmartsa ang grupo ay isang raliyesta ang hinimatay sa gitna ng pagtitipon dahil sa init ng panahon. 

Samantala, hindi naman pinapayagan ng mga pulis na magkaroon  ng rally sa kahabaan ng commonwealth at kung meron man ay pagsasabihan daw ito na umalis na at kung hindi susunod ay dadamputin at ikukulong.

Share:

Taiwan hit the high record of 1,608 heatstroke related incident this summer


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Dahil sa matinding init ng panahon na nararanasan ngayon sa bansang Taiwan magtala ng mataas na bilang ng mga isinusugod sa mga ospital dahil sa heatstroke ayon sa CDC.

Mula Mayo hanggang Huly0 24, ay nagtala ang bansa ng aabot sa 1,608 kung saan mas mataas sa sampung taong nakalipas. At buwan naman ng Hulyo ng umabot sa 469 ang naisugod sa mga ospital dahil sa heatstroke.

Ayon sa Immdiate Epidemic Surveillance and Early Warning System ng Ministry of Health, sa 181 na mga ospital sa buong Taiwan mula Hulyo 1-24 ngayong taon ay umabot sa 659 ang isinugod sa mga emergency. Mas mataas kumpara sa nakaraang taon na 370 lamang. Hulyo 1-10 naman ay nagtala ng 190 ang isinugod sa mga ospital. Sa kabuuan ay umabot na sa 659 ang kaso ng Heatstroke.

Ayon kay Community Health Team ng National Health Agency Lou Suying, dahil sa summer at kaliwa't kanan ang mga outing ay kailangan isaalang-alang ang tatlong bagay, ang "replenish moisture, tamang oras at lugar, at sun protection." para tuloy ang ligaya sa summer.

At ayon kay Lou, kahit gaano ka pa daw ka aktibo ay kailangan pa rin daw na panatilihing "hydrate", kailangan hindi antayin na mauhaw bago uminom ng tubig. At maging habit dapat ang pag-inom ng tubig na hindi baba sa 2,000 cc kada araw. At iwasan daw ang pag-inom ng sobrang malamig na tubig, inumin lang ang natural na temperatura ng tubig.

Kung ang trabaho naman ay nasa ilalim ng araw at kung ikaw ay isang athleta ay kailangan daw dagdagan ng 2 hanggang apat na baso na tubig (isang baso ay 240cc) ang inumin sa isang araw. Iwasan ang pag-inom ng alak at matatamis na inumin para maiwasan ang lubhang pagkawala ng tubig sa katawan. Mas mainam daw ay kumain nalang nga prutas at gulay dahil may taglay itong natural na tubig.

Iwasan rin daw ang lumabas ng 10 am hanggang 2 pm dahil sa init, mas mainam daw gawin amg lakad sa umaga at gabi kung maari para iwas heatstroke. At kung lalabas naman para outing kailangan ay suotin ang mga light color lang na mga damit, magdala ng payong at iba pang mga protective gears panlaban sa init.

Kapag makaranas ng "sakit sa ulo, pagkabalisa, panghihina, o pamumutla ay agad magpahinga sa malamig na lugar.

Share:

Taiwan recorded 2 new local case of Dengue Fever


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Dalawang lokal na kaso ng Dengue naitala sa Taoyuan City ayon sa Center of Disease Control.

Ayon kay Deputy Director of the Department of Disease Control Zhuang Renxiang, Hulyo 10, ng unang maitala ang kaso ng Dengue sa bansa kung saan ang pasyente ay isang lalaki mula sa Taoyuan at nitong Hulyo 21 ay naospital naman ang kanyang ina nasa edad 60 kung saan nagpositibo rin sa Dengue.

Kaya naman ang Taoyuan City Health Bureau ay nagsagawa ng imbestigasyon at nagkaroon ng "clean up drive" para puksain ang pinamumugaran ng mga lamok. Gagawin nila umano ang palagiang "disinfection" sa loob ng kalahating buwan sa buong Taoyuan upang masigurong ligtas ang lahat laban sa Dengue.



Simula noong buwan ng Enero ay nagtala ng 56 na imported na kaso ng Dengue, kung saan galing umano sa Southeast Asian countries gaya ng Indonesia at Pilipinas ang mga ito.

Nagpaalala naman si Zhuang na maging malinis sa kapaligiran at linisin ang mga naka-imbak na tubig o "stagnant waters."
Share:

CECC Taiwan to announced later the 4 new imported cases of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Central Epidemic Command Center ng Taiwan magkakaroon ng press breifing mamayang hapon ng alas 2 dahil sa apat na bagong kaso mula sa ibang bansa. Ayon kay Spokesperson Zhuang Renxiang.

Ayon Zhuang ngayong araw ay apat katao ang nagpositibo sa COVID-19 mula sa ibang bansa. Hindi naman pa nilinaw ni Zhuang kung saan bansa galing at malalaman daw mamayang hapon sa kanilang press briefing.


Kapag opisyal ng mapabilang ang apat na bagong kaso ng COVID-19, mula sa 458 na kasalukuyang bilang ay aabot na sa 462 ang magiging kabuuang bilang sa bansang Taiwan.

Matatandaang noong huling press briefing ay naitala ang tatlong bagong kaso ay mula sa Pilipinas kung saan dalawa dito ay pawang Pilipino.
Share:

Magnitude 6.1 earthquake hit in Eastern Taiwan


Hsinchu, Taiwan(Hulyo 26, 2020)- Niyanig ng magnitude 6.1 lindol ang Eastern na bahagi ng Taiwan dakong 8:52 ngayong gabi ayon sa Central Weather Bureau (CWB).

Naitala ang epicenter sa lokasyon na 86.5 kilometro sa Timog-silangang bahagi ng Yilan County Hall na may lalim 53.3 kilometro ayon sa CWB. 

Naramdaman ang intensity 4 sa Hualien County. At Intensity 3 sa mga lugar ng Yilan County, Taitung County, Nantou County, at Yunlin County.

Intensity 2 naman sa mga lugar ng Keelung City, Taipei City, Taichung City, New Taipei City, Hsinchu County, Taoyuan City, Miaoli County, Chiayi County, Changhua County, Kaohsiung City, Chiayi City, Tainan City, at Pingtung County, at 1 naman sa Hsinchu City.

Share:

No Winner for the NT$3.1 Billion Jackpot prize of Power Lotto in Taiwan, the biggest in history


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 24, 2020)- Good news para mga nangangarap maging bilyonaryo.

Alam niyo ba na wala pa rin nakakakuha sa jackpot prize ng Power Lotto. Kagabi ng Huwebes ay umabot sa NT$2.5 bilyon ang Jackpot Prize kung saan walang nakasungkit sa paprempyo. Kagabi ang ika-47 na sunud-sunod na draw na walang nakakaha ng jackpot.

Sa Lunes ay aabot na NT$3.1 bilyon ang Jackpot prize ng power lotto kung saan ito na daw ang pinkamalaking pa premyo ayon sa management. Hulyo 18, 2013 pa ng huling naitala ang pinakamataas na premyo sa lotto dito sa Taiwan kung saan umabot sa NT$2 bilyon.

Ang draw ng Power Lotto ay tuwing Lunes at Huwebes lamang. 
Share:

Immigration officers in Taiwan disguises as customer to chased illegal migrant workers


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 24, 2020)- Ilang Immigration officer sa Chiayi County ang nag-disguise bilang isang customer para mahuli ang ilang illegal migrant workers.

Matapos makatanggap ng tip ang Southern District Affairs Brigade ng Immigration Department ng Chiayi County na meron daw grupo ng illegal migrant workers ang nag-uumagahan at namimili ng kanilang mga supply sa isang supermarket sa Xingang Township ay agad ikinasa ang isang operasyon. Nagpanggap bilang mga customer ang dalawa sa immigration officer at doon ay pinagmamasdan nila ang mga kilos ng pitong illegal migrant workers.

Ayon sa nagpanggap na customer ay hinaayan nila sa loob ng supermarket ang pito habang kumakain at namimili ng sandamakmak na supply. At ng makalabas na ito ng establisyemento bandang ala-6 at sasakay na sa kanilang sasakayan ay agad doon kumilos ang mga operatiba na naka-standby sa labas ng supermarket. Timbog ang pitong Indonesian, kung saan tatlo sa kanila ay naglayas sa amo at apat naman ay overstay na.

Ayon naman kay "Aman" isa sa mga nahuli, ay napakagaling daw ng ginagawa ng immigration officer dahil habang kumakain siya at ng mamili ng bibilhin ay nasa tabi niya daw ito at hindi manlang daw niya ito natunugan.
Share:

A migrant worker in Taiwan was arrested after robbing a grocery store


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 24, 2020)- Isang migrant worker ang arestado matapos mang-holdap sa isang grocery store sa New Taipei City.

Ayon sa imbestigasyon pumasok ang isang Vietnamese Migrant worker sa isang grocery store sa Xizhi District, New Taipei City bandang ala-una ng umaga kanina at dumiritso sa loob ng grocery store at kumuha ng isang can ng alak at dinala sa counter para sana bayaran. Ngunit dumiritso ito sa loob ng counter kung saan kinuha ang isang "fruit knife" na itinututok sa "cashier" at matapos makuha ng perang nagkakahalaga ng NT$9,900 ay agad niyang sinunggaban ang biktima nagtamo ng sugat sa kanang kamay.

At ngayong ala-6 ng gabi ay nahuli ang suspek sa may footpath ng Qidu Tai'an Waterfall. Napagalaman ng mga awtoridad na ang suspek ay nagtratrabaho sa Liudu Industrial Park sa Keelung City at nakatira naman Qidu Dormitory.

Ang nangyaring insidente isa lamang sa tatlong holdapan na nangyari kaninang umaga sa Taipei at New Taipei City kung saan ang mga suspek ay mga gangster naman. 
Share:

Taiwan will implement a mandatory COVID-19 test for passengers coming from the Philippines


Hsinchu, Taiwan ( Hulyo 24, 2020)- Simula ngayong Linggo mga pasahero mula sa Pilipinas mahigpit ng dadaan sa  mandatory testing para sa COVID-19 dahil sa tumataas na bilang ng imported case mula sa Pilipinas. Ito'y ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).

Ngayong araw ng Biyernes ay sinabi ng ahensya na ang bagong regulasyon ay para sa lahat Taiwan National at Resident permit holders (ARC). ayon kay Health Minister Chen Shih-chung.

Lahat ng mga pasahero na may sintomas ng COVID-19 ay agad derechong ilalagay sa government quarantine facilities at ang mga wala namang sintomas ay maghihintay ng resulta habang naka-14 days home quarantine.

Ayon sa ahensya, hinigpitan nila ang regulasyon para sa galing ng Pilipinas dahil mula ng binuksan nila ang border noong Hunyo 29, ay anim dito ang nagpositibo. Sa kabuuan ay umabot na 696 na mga pasahero ang dumating sa Taiwan mula noong Hulyo 1- Hulyo 22 ayon sa ahensya.


Ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw ng Biyernes ay  pumalo nasa 76,444 matapos magtala ng 2,103 na bagong kaso ayon sa DOH. Samantala ang Taiwan ay nagtala ng 3 imported na kaso mula sa Pilipinas ngayong araw, sa kabuuan ay umabot na sa 458 ang kabuung bilang ng COVID-19 sa bansang Taiwan.
Share:

Total Lockdown ang ipinatupad sa bayan sa Tarlac matapos magpostibo ang 6 na miyembro ng isang pamilya sa COVID-19



Maynila-(Hulyo 24, 2020) – Ang bayan ng Concepcion sa Tarlac ay kasalukuyang nasa ilalim ng 36-hour total lockdown matapos magpositibo ang anim na miyembro ng isang pamilya doon.

Ayon sa test results ang anim na positibo ay pawang asymptomatic at nasa quarantine facility na ngayon, ito ay ang pahayag ng mayor ng Concepcion na si Mayor Andres Lacson.
Ang lockdown ay mula alas-5 ng hapon nitong Huwebes hanggang alas-5 ng umaga ng Sabado.

Ang isang miyembro ng pamilya ay nagtatatrabo sa Casino Filipino at nakompirma na anim na pala ang positibo sa COVID-19 sa naturang lugar at dahil wala siyang mga sintomas ng sakit ay hindi niya alam na nahawa na pala niya ang kaniyang pamilya. Dahil sa nangyari ang kusang nagpa-test ang lahat ng staff ng Casino Filipino.
Share:

2 Pinoy returned to Taiwan has been positive of COVID-19



Hsinchu, Taiwan (Hulyo 24, 2020)- Dalawang Pinoy at isang Taiwanes ang nagpositibo sa COVID-19 ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC) ng Taiwan.

Base sa kanilang press briefing ngayon hapon ng Biyernes, kinumpirma ng ahensya na tatlo sa bagong imported na kaso ng COVID-19 sa bansa ay mga Pinoy na nagbakasyon galing Pilipinas. Dalawang lalaki nasa edad 50 at 30. At isang Taiwanes na babae na nasa edad 30.

Si Case 54 ay kababalik lang galing Pinas noong Hulyo 20, at nag-abiso sa mga quarantine personnel na masama ang pakiramdam, ngunit ng suriin ay nag negatibo pero dinala pa rin siya sa ospital para tingnan ulit at Hulyo 24 lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID-19. Aniya Hulyo 13, palang ay medyo masama na ang kanyang pakiramdam.

Samantala si Case 457 naman ay bumisita sa kanyang pamilya noong buwan ng Marso at kababalik lang sa Taiwan nitong Hulyo 13. Ngunit mula Hulyo 13-15 ay naging masama ang pakiramdam. Hulyo 17, ng magkalagnat si Case 457 at Hulyo 20 ng inabisuhan niya ang mga health Officer at nitong Hulyo 24 ay lumabas ang resulta na positibo sa COVID-19 ang pasyente.

Samantala ang pangatlo naman ay isang Taiwanes na nagtrabaho sa Pilipinas mula pa noong Enero at bumalik ng Taiwan nitong Hulyo 22. Sa Airport palang ay naabisuhan niya ang mga quarantine officer na nakakaranas siya ng mga sintomas ng COVID-19 Hulyo 14 palang.

Sa ngayon ay umakyat na 458 ang kabuuang kaso ng COVID -19 sa Taiwan. At 7 ang naitalang namatay sa bansa dahil sa naturang virus, habang nasa 440 ang na ang gumaling at nakalabas na ng pagamutan. Mayroon nalamang 11 na positibong kaso ang ginagamot parin sa mga ospital ngayon.
Share:

Taiwan extend the visa-free entry for Filipino until July 31, 2021


Bansang Taiwan muling binigyan ng extension ang Pilipinas para sa "Trial Visa-Free Entry"hanggang sa Hulyo 31, 2021. Base sa inilabas nilang ulat ng Bureau of Consular Affairs, Ministry of Foreign Affairs ngayong araw, Hulyo 23, 2020.

Ito na ang pang-apat na beses na binigyan ng extension ang bansang Pilipinas kasabay ng Thailand, Brunei, at Russia. Ang pagbibigay ng pribilehiyo sa mga bansa ay bahagi ng South bound policy ng bansang Taiwan, na layong palakasin ang kanilang turismo.

"In line with the epidemic prevention measures of the Central Epidemic Command Center, the Ministry of Foreign Affairs has announced that foreigners will come to Taiwan during the epidemic to regulate. The above-mentioned visa measures for new southbound countries and Russia are extensions and implementation adjustments of existing visa benefits, and are not open to foreigners to visit Taiwan during the epidemic. As for whether to relax foreigners’ visits to Taiwan for sightseeing, the command center still needs to review and adjust the situation after assessing the global epidemic situation" ayon sa Bureau of Consular Affairs, Ministry of Foreign Affairs.

Ayon Ministry of Interior ng Taiwan, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang nagtala ng maraming turista na umabot sa 100.37 % kumpara sa noong 2018.

"The Ministry of Foreign Affairs will continue to review and refine the relevant visa policies in the future, hoping to take into account the national border security and social security while attracting international tourists." Ayon sa BOCA



Source: BOCA.GOV.TW


Share:

Philippines reached to 74,390 cases of COVID-19 after 2,200 new cases has been recorded


Hsinchu (Hulyo 23, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa mahigit 74,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon.

Nagtala ng 2,200 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Sa ngayon ay nasa 74,390 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 760 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 24,383 ang mga gumaling mula sa sakit na COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 28 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,871 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at Cebu.

Share:

Starting August Taiwan will open its border for "Medical and Schooling" purposes


Hsinchu (Hulyo 22, 2020)- Dahil sa kontrolado na ng bansang Taiwan ang sitwasyon hinggil sa COVID-19 ay maari na daw silang magpapasok ng mga Foreign Nationals sa Agosto na ang purpose ay "Magpagamot" at bukas na rin ang bansa para mga foreign students nais mag-aral. Lahat ng bansa ay pinapayagan makapasok ngunit may ibat-ibang antas o lebel ng quarantine period ang pagdadaanan depende kung saan bansa galing, ayon kay Minister of Health and Welfare and CECC head Chen Shih-chung (陳時中).

Babaan naman ang mga quarantine period ng mga bansang may mababang kaso ng COVID-19 gaya ng New Zealand, Macau, Palau, Fiji, Brunei, Vietnam, Thailand, Mongolia, Bhutan, Laos, Cambodia, Myanmar. At mas maiksi naman ang quarantine period ng mga bansang may Low- at medium-risk gaya ng South Korea , Japan, Malaysia, Singapore at Sri Lanka.


Palala pa rin ahensya na lahat ng mga parating sa bansa ay dapat sundin ang Health Protocol, kung masama ang pakiramdam o may sintomas na COVID-19 ay agad bigyan abiso ang mga Health personnel sa mga paliparan at dapat sundin quarantine period.

Kung nakaramdam naman ng mga sintomas ng COVID-19 matapos ang quarantine o nasa 'yung mga nasa tahanan ay bawal sumakay ng mga pampublikong sasakyan. Ang mabuti raw gawin ay tumawag sa mga Health Official na nasasakupan ng bawat counties at cities. At ugaliin rin maghugas ng kamay at social distancing at kung hindi masusunod ang social distancing ay mas mainam na magsuot nalang ng Face mask aniya.

Matatandaang noong katapusan ng Hunyo ay nagbukas na rin ng border ang bansang Taiwan para naman sa "Business purposes." 



Share:

Taiwan marks its 105th days without local case of COVID-19


Hsinchu (Hulyo 22, 2020)- Ngayon araw ng Miyerkules ay ipinagmamalaking inanunsyo ng CECC Taiwan ang ika-105 na araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Abril 8, pa ng huling nagtala ng lokal na kaso ng COVID-19 at kasalukuyan ay nasa 8 nalang ang mga nasa ospital at nagpapagaling. 

Ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa ay nanatili pa rin sa 455 kung saan 364 ay mga imported na kaso at huling tala ay ang dalawang Taiwanes mula sa Pilipinas. Samantala nanatili pa rin sa 55 ang kanilang lokal na kaso. At 36 naman out of 455 ay mula sa hanay ng Navy na naglayag mula sa Palau. 

Nanatili naman sa 7 ang kanilang kaso ng namatay dahil sa COVID-19 ayon kay Minister of Health and Welfare and CECC head Chen Shih-chung (陳時中).
Share:

Still no winner for NT$2.08 billion Jackpot prize of Power Lotto in Taiwan


Hsinchu (Hulyo 21, 2020)- Kagabi binola ang isa sa may pinkamalaking premyo sa lotto dito sa Taiwan. Umabot sa NT$2.08 bilyon ang jackpot prize sa draw ng Hulyo 20, 2020.

Kagabi ang mga lumabas na mga numero ay 4,15,20,22,26,37 + 1 (power numbers), at ang good news ay wala pang nakakuha sa Jackpot prize.


Matatandaang kagabi ang ika-45 na draw ng power lotto pero walang pa ng nakakusungkit ng Jackpot prize. Sa Huwebes ay inaasahang aabot sa NT$2.5 bilyon ang magiging Jackpot prize. Ang power lotto ay ginaganap lamang tuwing Lunes at Huwebes.

Share:

Taiwan Labor Insurance eyed to increase its premium rates to 27.94%


Hsinchu (Hulyo 21, 2020)- Labor Insurance ng Taiwan nanganganib na ma-bankrupt sa taong 2026 ayon kay Minister of Labor Xu Mingchun.

Sa isang pahayag na isigawa ng Hit FM sa Taiwan, sinabi ng kalihim na nanganganib na maubos ang pondo ng Labor Insurance sa taong 2026 kapag hindi na ameyendahan ang bagong regulasyon ukol sa premium rates. Aniya ang kung hindi itataas sa 27.94% ang buwanang premium rates ay hindi matatakpan ang pagkalugi ng ahensya.

Ayon kay Xu kada taon ay nalulugi ang labor insurance ng NT$20 bilyon at kasalukuyang pondo ng ahensya ay nasa NT$700 bilyon nalang. Nagsimula daw ang pagkalugi noon pang 2017 kaya kung hindi ma-amyendahan ang naka-draft na proposal ay maaring umabot sa bankruptcy ang ahensya sa taong 2026.


Taong 2017 pa ng huling magpasa ng amendment ang ahenysa sa Legislative Yuan ngunit hindi ito natalakay. Sa ngayon ay nasa 10.45 milyong mga manggagawa, 570,000 insured units, lahat ng mga industries at mga classes ang nakarehistro ayon kay Xu.

Ngunit ayon naman sa Labor Management, sa ngayon ay hindi kakayanin ang 27.94% na labor premium rates increase kaya naman planong itaas muna sa 12% hanggang maabot ang 27.94%. Sa ngayon ay kailangan daw muna bayaran ng gobyerno ang luging NT$20 bilyon. At isasama sa taonang budget ayon kay Xu.

Share:

Isang delivery boy patay ng pagbabariling isang sundalo


Taipei (Hulyo 20, 2020)- Isang Delivery boy ng tubig ang bumulagta matapos barilin ng tatlong beses ng isang sundalo sa Davao City.

Nakilala ang biktima na si Ronnel Mabandos, 37 years old at ang suspek ay si Staff Sergeant Dino Demegilio Lambayon, 44 years old ayon kay Buhangin Police Station Commander Major Estrella Ramiso.

Nangyari ang pamamaril sa Westeria St., Phase 3, Deca Homes Esperanza, Brgy. Tigatto, Buhangin District, Davao City. Nag-ugat ang insidente ng bulihin ng biktima ang anak ng suspek. At nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pagbaril. Nagtamo ng bala ang biktima sa may ulo at kili-kili bahagi na agad binawian ng buhay.

Pero ayon sa imbestigasyon lumabas na may dati ng hidwaan ang dalawa dahil sa muntik ng masagasaan ng biktima ang anak ng suspek.

Kaagad naman sumuko ang suspek sa pulisya at nahaharap sa kasong murder.




Share:

Dating Viral Honest Parking Boy graduate na ngayon


Isang parking boy noon graduate na sa Elementarya ngayon. Si Andrey Macabuhay ang nakapulot at nagsauli ng P7,000 sa parking lot ng isang kainan sa Sta. Maria Bulacan.

Kahit tutol ang kanyang mga magulang Si Andrey ay nagtatrabaho magdamag sa parking lot para may maibot sa kanyang mga magulang, ang kanyang ama na dating construction worker ay hindi na makapagtrabaho dahil sa katarata. Nag-viral ang Facebook post ni Dindo Lorenzo na may ari ng perang napulot ni Andrey na umani ng magagandang reaksyon kaya naman ng mabasa ng Immaculate Concepcion Academy ang kanyang istorya ay agad nilang ginawaran ang bata ng full scholarship hanggang kolehiyo na nagkakahalaga ng P400,000 + free uniform at iba pang gamit pang-eskwela at bukod pa doon ay binigyan rin ng dagdag puhunan ang kanyang mga magulang.

Kaya naman mula isang parking boy na nagpabago ng kanyang buhay hito na siya ngaun nakapatapos ng elementarya at patuloy na mag-aaral para sa magandang kinabukasan.
Share:

Famous Actor-Comedian Michael V test positive for COVID-19


Taipei (Hulyo 20, 2020)- Kinumpirma mismo ni Michael V o mas kilala sa bansag na "Bitoy" sa kanyang Vlog ngayon Lunes ng umaga na positibo siya sa COVID-19.

Ayon sa Comedian nakaranas daw siya ng sintomas ng flu at nakaramdam ng kakaiba sa kanyang lalamunan at kawalan ng panlasa at pang amoy.

Statement ni Bitoy sa Vlog niya.

"Siyempre nag-isolate na kagad ako, nag-quarantine na kagad ako. I took medicine nagpa-check up ako sa doctor online. I got better the following day," he said. Wala akong maamoy ngayon, kumuha ako ng mga strong na perfume na normally ginagamit ko -- alcohol, eucalyptus food -- medyo weird. Wala akong masyadong maamoy, we've been really strict about safety. 'Yung social distancing pina-practice namin yun, yung PPEs, every time we go out and interact with other people and 'pag lumalabas kami, normally nga halos wala talaga kaming labas eh. Very, very minimal yung times na lumabas kami. Worried not just for myself pero para din sa pamilya ko but with prayers and with God's help, I think we can go through this. I think it's gonna be OK. Nandun pa rin yung flu-like symptoms. May slight body pains pero very, very slight eh. Hindi naman nakakaapekto sa galaw ko pero pinaka bad trip talaga yung nawala yung pang-amoy ko, tsaka nakakapraning kasi kung nandito siya sa nasal area kung may virus diyan parang ang lapit sa utak, so mahirap. Baka sabi pa naman nung iba masustansya yung utak ko, mataba yung utak ko baka pagpiyestahan ng mga virus eh. Hindi biro itong mga nangyayaring ito. I wish hindi niyo bale-walain yung mga nararamdaman niyo. Sundin pa rin natin protocols ng social distancing, PPE, 'wag ng makipag-interact masyado sa iba kasi di natin alam sino yung carrier, feeling ko at this stage, na nawawala yung lasa dito nila nawawalan ng gana kumain kasi parang hindi kumpleto yung ginagawa mo pero hindi mo maamoy and hindi mo malasahan and yet kailangan mo kumain para malabanan mo yung virus so kain lang. SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA detected so it's positive, right now fever na lang yung loss of smell na-re-regain ko na siya, "So that's it. Positive.  Just as we suspected early on. Alam kong hindi normal yung nawala yung pang-amoy ko and I was counting na may kinalaman talaga yun sa COVID but I was praying na wala. But it turns out... tutuloy lang natin mga sinabi sa tin na kailangan gawin and we'll get through this; we've been through worse. Sobrang nami-miss ko na yung pamilya ko," 

Si Bitoy ay isa lamang sa mga artista sa bansa nahawaan ng COVID-19.

Share:

Taiwan has again recorded the highest heat index this summer after 123 years


Taipei (Hulyo 20, 2020)- Naitala kahapon ang pinakamainit na temperatura sa Taiwan. Ayon sa CWB umabot sa 39 degrees Celsius, taong 1897 pa ng huling maitala ang napakamainit na temperatura sa bansa.

Halos umabot sa 40 degrees Celcius ang init na naitala sa 16 counties kahapon kasama na ang Taipei. Ngayon araw at bukas ay naglabas ng advisory ang ahensya ng "Red Heat Alert" sa lugar ng Taipei at Nantou. "Orange alert" naman sa Keelung City, New Taipei City, Hsinchu City, Changhua County, Yunlin County, Tainan City, Kaohsiung City, Pingtung County, Yilan County, Hualien County at Taitung County.

Para sa kaalaman, ang CWB Station ay naitayo noong taong 1897.

Share:

Teenager was admitted to the hospital after drinking too much "MILK TEA"


Isang 18 years old na Chinese ang naospital matapos masobrahan sa pag-inom ng Milk Tea.

Namaga ang mga joints kamay at mga paa ni Xiaohai matapos ang labis na pag-inom ng Milk Tea. Ayon sa kanya ay nakakaubos siya ng Milktea ng 1-2 baso araw-araw.

Ayon kay Dr. Zheng Shaoling ng Department of Rheumatologyand Immunology ng Second People's Hospital sa Probinsya ng Guangdong. Ang Milk Tea ay may mataas na content ng sugar kung saan nagdudulot ng pagtaas ng uric acid sa ating mga katawan at pagbagal ng metobalism, kung saan naging sanhi ng pagtaba kung walang regular na ehersisyo.


Si Xiaohai ay high school student pa lamang mula sa Foshan, Mainland China na binalaan na ng kanyang doktor noon na magdahan-dahan na sa pag-inom ng matatamis na inumin gaya ng milk tea ngunit hindi ito nakinig. Kaya naman halos lahat ng joints niya ay namaga at hirap na itong kumilos.

Ayon kay Dr. Zheng, pabata ng pabata ang nakakaranas ngayon ng Gout dahil sa panahon ngayon ay ginagawang tubig ng mga bata ang milk tea na nagtataglay na mataas na sugar, na nagdudulot ng gout.

Kaya payo ni Dr. Zheng ay magdahan-dahan sa pag-inom ng Milk Tea at magkaroon ng regular exercise.
Share:

Fisherman from Kaohsiung was fined NT$1 million after violating the 14-days quarantine protocol


Taipei (Hulyo 17, 2020)- Isang mangingisda mula sa Kaohsiung ang pinagmulta ng NT$1 million (1.68 milyong piso) matapos lumabag sa 14 days Quarantine Rules.

Ang nasabing mangingisda ay lulan ng fishing vessel na naglayag mula sa ibang bansa, ayon sa city's Department of Health. Kaya naman isinailalim siya sa 14 days quarantine.

Ang mangingisda ay nakilalang si Huang (黃), ay nahanap ng mga pulis sa isang club Biyernes ng madaling araw kung saan dapat ay Hulyo 21 pa matatapos ang kanyang quarantine period.

Huli rin siya sa akto na hindi dala ang "smartphone" na bigay ng City Health Department kung saan naka-monitor ang lahat ng galaw ng mga naka-quarantine.

Ayon kay Section chief of the department's Disease Prevention Division Ho Hui-pin (何惠彬), ang suspek ay pagmumultahin ng NT$1 million dahil sa paglabag sa Protocol.

Those regulations are based on provisions in the "Special Act for Prevention, Relief and Revitalization Measures for Severe Pneumonia with Novel Pathogens" and the "Communicable Disease Control Act," ayon kay Ho.

Sa kasalukuyan ay mahigpit na ipinatutupad ng Taiwan ang 14 days quarantine rules kapag galing sa ibang bansa. At kung sinuman ang lalabag ay maaring pagmultahin na aabot sa NT$1 milyon.

Share:

Taiwan now in 100 days without local case of COVID-19 but with 2 imported cases from the Philippines


Taipei (Hulyo 17, 2020)- Nadagdagan ng dalawa ang imported na kaso ng COVID-19 ng bansang Taiwan matapos magpositibo ang dalawang Taiwanese National na nagtrabaho mula sa Pilipinas. Ayon sa CECC Taiwan.

Si Case 453 ay isang babae na nasa edad 20 na pumunta sa Pilipinas upang magtrabaho noon pang Disyembre, at nitong Hulyo 14 ng makaranas ng mga sintomas ng COVID-19 ang pasyente. At bumalik sa bansa nitong Hulyo 15. At kaagad naman niyang inabisuhan ang mga Quarantine Officer sa airport palang, kaya naman kaagad sumalilalim sa pagsusuri ang pasyente at doon lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19. Kasalukuyan ng nasa ospital ang pasyente at nagpapagaling at inalam at inabisuhan ang mga nakasalamuha ni Case 453.



Samantala si Case 454 naman ay isang lalaki na nasa edad 40, na umalis rin ng bansa upang magtrabaho sa Pilipinas noong Enero. At nakaramdam ng sintomas nitong Hulyo 11-13 at dumating sa Taiwan nitong Hulyo 15, kaagad rin nagbigay abiso ang pasyente sa mga Quarantine personnel hinggil sa kanyang nararamdaman. Kaya naman kaagad siyang dinala sa quarantine facility at dumaan sa pagsusuri kung saan nagpositibo siya sa COVID-19 at kasalakuyang nagpapagaling na sa ospital.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 361 ang imported na kaso ng COVID-19 sa bansa. At ngayong araw naman ang ika-100 na araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19 na nanatili sa 55 ang kabuuang bilang at pito naman ang naitalang nasawi.


Share:

4 OFWs' arrived in Hong Kong tested positive of COVID-19


Taipei (Hulyo 16, 2020)- Apat nating kababayan positibo sa COVID-19 ng dumating sa Hong Kong ayon kay Dr. Chuang Shuk-kwan, Head ng Communicable 
Disease Branch of the Centre for Health Protection of the Department of Health.

Apat sa limang imported case kahapon ng Hong Kong ay pawang mga Pilipino. Dalawa rito ay domestic helper at dalawa naman ay seafarers. At kasalukuyang nasa mga ospital ng Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital sa Chai Wan at Alice Ho Miu Ling Nethersole Hospital sa Tai Po.  Ang isa sa domestic helper ay asymptomatic ayon sa ahensya.

Kahapon, Hulyo 15, ay nagtala ang Hong Kong 5 imported na kaso ng COVID-19 at 14 lokal na kaso ang naitala. Sa kabuuan ay umabot nasa 1,588 ang kaso at 10 naman ang nasawi.

Share:

Isang Pinay na niloko at binubugbog ng kanyang asawang Taiwanese humingi ng saklolo na mabawi ang kanyang anak


Isang Pinay ipinaglalaban ang karapatan sa anak laban sa kanyang Taiwanese na asawa.


Ayon sa Siklab Pinoy, isang pinay ang naninirahan sa Taipei na malapit sa Wan Long Elementary School. Nakapangasawa ito ng isang Taiwanese na nangangalang Hsiang Ou at nasa 40 years old na ang edad nito. 

Ayon sa kanya, isinama siya ng kanyang asawa sa Taiwan kasama ang kanilang anak. Sabi din niya, nagkaroon sila ng mis-understanding ng kanyang asawa na naging dahilan ng di nila pagkakaunawaan at nauwi sa di inaasahang pangyayari.

Aniya, tuwing magtatalo silang mag-asawa may mga panahon siyang sinasaktan at binubugbog nito. At dahil sa mga ginagawa nito sa kanya, kumuha siya ng picture at mga ebidensya laban sa kanyang asawa. 

At dahil sa nangyari na iyon ikinuwento niya na iniwan na sila ng kanyang asawa at wala man lang iniwan na kahit ano maging pera man at cellphone kaya minabuti na lang niya na umalis kasama ang kanyang anak. Sa pag-alis nila buti na lang at tinulungan siya ng ex-wife ng kanyang asawa na taiwanese din para maka-uwi sa Pilipinas. Ngunit naki-usap ito sa kanya habang nasa airport na iwanan na lang niya ang kanyang anak sa Taiwan habang siya ay maghahanap buhay muna sa Pilipinas at sa dahilang hindi niya rin ito maisasama sa pag-alis dahil ang bata ay isang taiwan citizen at kailangang dumaan sa tamang proseso bago ito mailabas ng bansa. 

At dahil magulo ang sitwasyon at wala itong pera para asikasuhin lahat ng dokumentong kakailanganin niya napilitan itong iwanan ang kanyang anak sa Taiwan. Dagdag aniya, maayos ang naging usapan nila ng ex-wife ng asawa niya bago siya tuluyang makabalik ng Pilipinas. At nangako siya dito na kukunin niya ang kanyang anak kapag nakauwi na siya sa Pinas ngunit pagdating niya dito blinocked at hinack na ang kanyang account kung kaya't nawalan siya ng kontak sa mga ito.

Ayon din sa kanya, ng makauwi siya ng Pinas kasalukuyang  nakaquarantine siya sa may clark airbase pampanga ng 2-3 days. Nang matapos ang quarantine period niya agad itong dumulog kay raffy tulfo at sa ibang netizen na sana ay matulungan siya nito na maibalik ng kanyang asawang Taiwanese ang kanyang anak sa piling niya. Lahat ng mga hinaing at sakit na kanyang naranasan sa puso at isip niya ay ibinahagi nito sa isang facebook account maibalik lang sa kanya si Ichika na kanyang anak.

Share:

Taiwan is now in 98 days with ZERO local case of COVID-19


Taipei (Hulyo 15, 2020)- Magandang balita. Sa lingguhang ulat ng CECC hinggil sa kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Taiwan. Ngayong araw ang ika-98 na araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Base sa datos na inilabas ng CECC ngayong hapon ng Miyerkules. Nasa 440 na ang nakalabas na mga pasyente. Matatandaang ang huling kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa ay 451, kung saan 360 dito ay bumiyahe sa labas ng bansa at 55 naman ay hindi umalis ng bansa, at 36 naman ay mula sa hanay ng Navy. At 7 naman ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

Ayon kay Minister of Health and Welfare and CECC head Chen Shih-chung (陳時中), sa kabuuan ay umabot sa 78,897 ang kanilang nasuri mula ng nagsimula ang pandemya at 77,948 ay negatibo.


Share:

20 people were trapped at "Gravity Max Ride" in Liphao Land


Viral sa Social Media ang nangyaring pagtigil ng roller coaster ng sikat na ride sa Liphao Land sa Taichung na "Gravity Max Ride"

Kitang-kita sa video na kuha ng mga netizen ang pagtigil ng roller coaster sa may "Climax area with a position of 90 degrees" kung saan bubulusok pababa ang roller coaster, ngunit dahil sa malfunction ay naiwang nakabitin ang roller coaster na umabot ng 13 minuto. Agad namang sumaklolo ang pamunuan at maintenance at dahan-dahan ibinalik sa taas ang coaster. Ligtas naman naibaba ang mga pasahero. Nagyari ang insidente noong Linggo, Hulyo 12, 2020.

Nilinaw naman ng pamunuan na bago pa man pinapaandar ang coaster ay pinapaalala nila sa mga sumasakay na maaring tumigil ito kung may sensor malfunction.

Share:

GOOD NEWS: Philippines recorded 4,325 new recoveries from COVID-19, the highest so far in one day


Taipei (Hulyo 13, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa 57,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon

Nagtala ng 836 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Sa ngayon ay nasa na 57,006 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 4,325 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 20,371 ang mga gumaling mula sa sakit na COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 65 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,599 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Matatandang kahapon araw ng Linggo ay hindi nakapagpalabas ng ulat ang DOH. At kninang umaga ay nilinaw ng ahensya na nagkaroon ng delay  paglabas ng ulat dahil sa "data harmonization effort" na ginagawa ng DOH.

“Kung malaki ang nakita nating pagtaas [ng kaso] kumpara nitong mga nakaraan araw at linggo, these are expected results of data harmonization efforts, ang main trigger talaga ay iyong laboratories, at ang ating mga LGUs naman ang mas may direktang access sa information at pangyayari sa kani-kanilang lugar patungkol sa COVID-19, kaya kadalasan may mga naitatala silang datos na hindi pa [agad] na-i-ta-transmit sa DOH. There are also times that although they have submitted data, there is incompleteness of data. Halimbawa, iyong case investigation form, hindi puwede mawala ang address [ng COVID-19 patient roon], pero magandang balita na napapabuti na natin ang pagkulekta ng tama at mabilis na datos mula sa ating mga laboratoryo, hospital at LGUs para agad tayong makapaganunsiyo,” ayon kay Usec. Vergeire.

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at Cebu.

Share:

BREAKING: Philippines has recorded 2,009 new recoveries but total cases soared to more than 56,000



Taipei (Hulyo 13, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa mahigit 56,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong umaga.

Nagtala ng 2,124 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Sa ngayon ay nasa na 56,259 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 2,009 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 16,046 ang mga gumaling mula sa sakit na COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 162 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,534 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Matatandang kahapon araw ng Linggo ay hindi nakapagpalabas ng ulat ang DOH. Paglilinaw naman ng ahensya na ang delay sila sa ulat dahil sa "data harmonization effort" na ginagawa ng DOH.

“Kung malaki ang nakita nating pagtaas [ng kaso] kumpara nitong mga nakaraan araw at linggo, these are expected results of data harmonization efforts, ang main trigger talaga ay iyong laboratories, at ang ating mga LGUs naman ang mas may direktang access sa information at pangyayari sa kani-kanilang lugar patungkol sa COVID-19, kaya kadalasan may mga naitatala silang datos na hindi pa [agad] na-i-ta-transmit sa DOH. There are also times that although they have submitted data, there is incompleteness of data. Halimbawa, iyong case investigation form, hindi puwede mawala ang address [ng COVID-19 patient roon], pero magandang balita na napapabuti na natin ang pagkulekta ng tama at mabilis na datos mula sa ating mga laboratoryo, hospital at LGUs para agad tayong makapaganunsiyo,” ayon kay Usec. Vergeire.

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at Cebu.

Share:
Loading...

Blog Archive