General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A man fell to death after jumping from 5th floor in Tainan City


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Isang lalaki ang nahulog mula sa ikalimang palapag ng gusali sa Tainan City ayon sa Tainan Fire Department’s Disaster Relief and Rescue Center.

Dakong alas 7:19 ng umaga ng makatanggap ng tawag ang opisina ng Tainan Fire Department kung saan isang lalaki ang bumagsak sa may canopy ng ikalawang palapag ng gusali.

Ayon sa mga Medical emergency team, may mga sugat sa katawan ang lalaki at labas ang  kanyang mga bituka dahil sa hiwa ng patalim kung saan nakita pa ang isang kutsilyo katabi ng biktima. Kaagad naman isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay.

Sa paunang imbestigasyon ng fifth branch ng Tainan Police Station, wala daw silang nakitang foul play sa biktima at itinuturing nila itong suicide. Base sa imbestigasyon sa asawa, nasa banyo ito at nagsisipilyo ng marinig niya ang isang kalabog at ng lumabas siya ay nakita nalang niya na tumalon na ang kanyang asawa. Inbinunyag din niya meron silang financial problem kaya problemado ito.
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive