General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A migrant worker in Taiwan was arrested after robbing a grocery store


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 24, 2020)- Isang migrant worker ang arestado matapos mang-holdap sa isang grocery store sa New Taipei City.

Ayon sa imbestigasyon pumasok ang isang Vietnamese Migrant worker sa isang grocery store sa Xizhi District, New Taipei City bandang ala-una ng umaga kanina at dumiritso sa loob ng grocery store at kumuha ng isang can ng alak at dinala sa counter para sana bayaran. Ngunit dumiritso ito sa loob ng counter kung saan kinuha ang isang "fruit knife" na itinututok sa "cashier" at matapos makuha ng perang nagkakahalaga ng NT$9,900 ay agad niyang sinunggaban ang biktima nagtamo ng sugat sa kanang kamay.

At ngayong ala-6 ng gabi ay nahuli ang suspek sa may footpath ng Qidu Tai'an Waterfall. Napagalaman ng mga awtoridad na ang suspek ay nagtratrabaho sa Liudu Industrial Park sa Keelung City at nakatira naman Qidu Dormitory.

Ang nangyaring insidente isa lamang sa tatlong holdapan na nangyari kaninang umaga sa Taipei at New Taipei City kung saan ang mga suspek ay mga gangster naman. 
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive