General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A Taiwanese was arrested after refusing to pay NT$1 million for violating the 14 days home quarantine


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 30, 2020)- Inaresto ang isang Taiwanes sa Taoyuan City matapos itong tumangging magbayad ng NT$1 milyon dahil sa paglabag sa quarantine rules ayon sa Taoyuan Branch of the Administrative Enforcement Agency.

Si Li na nasa edad 22 ay umuwi ng Taiwan noong Pebrero 29 mula sa Xiamen, China at base sa protocol ng bansa ay dapat sasailalim sa 14 days home quarantine ngunit base sa imbestigasyon ay apat na beses itong lumabas ng bahay. Kaya naman pinatawan siya ng NT$1 million multa.

Ayon sa mga awtoridad ay naka-freeze ang mga asset at account ng suspek, ngunit aabot lamang sa NT$2,737 ang nakuha rito dahil inilipat na ito umano sa ibang mga pangalan bago pa magawa ang pag-freeze sa kanyang mga ari-arian.

Ayon sa mga awtoridad ay tumawag pa umano si Li sa Taoyuan Court at ipinagmalaki na marami siyang ari-arian na inilipat na kung saan-saan at nagmatigas na hindi ito magbabayad sa multa.

Kaya naman noong Miyerkules habang palabas ng kanyang bahay kasama ang mga kaibigan ay inaresto si Li at makukulong ng tatlong buwan at multang NT$1 million.

Siya ang kauna-unahang inaresto matapos hindi magbayad ng multa na binigay sa kanya noong Marso 12 pa. 
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive