General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

BREAKING NEWS: Chief of National Center for Mental Health was shot dead in Quezon City


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Breaking News, Chief ng Philippine National Center for Mental Health patay matapos tambangan sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City ayon sa pamunuan ng Quezon City Police.

Patay si Dr. Roland Cortez at ang kanyang driver matapos pagbabarilin sa Barangay Culiat, Quezon City. Matatandaang si Cortez ang nagbunyag sa nangyayaring korapsyon sa loob ng National Center for Mental Health na pinapatakbo ng gobyerno. Hulyo 15, 2019 nang mag-file sa Ombudsman laban kay NCMH chief administrative officer Clarita Avila at 13 iba pang mga akusado dahil sa umano'y P80 million monopolized at diverted project.

Ayon sa salaysay ni Dr. Cortez ang kumpanya na Octant Builders ang naging monopolyo sa mga proyekto ng NCMH, kung saan lumabas mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) na si Avila ay incorporator pala sa nasabing kumpanya.


Ibinunyag rin ni Dr. Cortez na naglabas ng budget ang DOH sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) na nagkakahalaga ng P80 million para sa mga proyekto ng NCMH pero ang na-deliver lang P54 million kung saan hindi naman magamit ang gusali at hindi pa ito tapos.

Ibinunyag rin niya ang pag-divert ng pondo na hindi aprobado ng DBM na nagkakahalaga ng P19 million na para sana sewerage at treatment plant. at ang P25 million CT scan na hindi naman daw functional ayon ayon kay Dr. Cortez.

Matataadang inirekomenda ng NBI na kasuhan ng violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation of public funds through falsification of documents sina NCMH chief administrative officer Clarita Avila, Former Medical Center Chief II Bernardino Vicente, incumbent Clinical Center Chief Dr. Beverly Azucena, Finance Service Chief Dionisio Tolentino, Chief Accountant Dulce Valerio at Budget Officer Godofredo Valles.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive