General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

BREAKING: Taiwan's 4 out of 5 new imported cases of COVID-19, came from the Philippines


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Breaking news, apat sa limang bagong imported na kaso ng COVID-19 sa Taiwan ay galing Pilipinas at ang isa ay mula sa Hong Kong ayon sa Central Epidemic Command Center.

Sa kabuuan ayon kay Command center spokesperson Zhuang Renxiang ay umabot na sa 10 ang nagpositibo mula sa Pilipinas kung saan pawang mga Taiwan nationals.

Ang case 463 ay isang lalaki na nasa edad 50 nagtratrabaho sa Pilipinas noon pang Marso 2020 at nitong Hulyo 21 ay nakaranas ng lagnat at iba pang mga sintomas ng COVID-19. Nagpatingin pa daw ito sa Pilipinas ngunit wala namang nakuha na report hinggil sa kanyang kalagayan. At nitong Hulyo 26 ay bumalik siya ng Taiwan at sa Airport palang ay inabisuhan na niya ang mga quarantine officer hinggil sa kanyang kalagayan at agad ito dumaan sa pagsusuri at dinala sa quaratine facilities.

Ang case 464 naman ay isang 30 years old na lalaki na nagtratrabaho sa Hong Kong kung saan nakaranas umano ito ng mga sintomas Hulyo 16 palang at bumalik sa Taiwan noong Hulyo 26.

Samantala ang case 465 naman ay isang 30 years old na lalaki na nagtratrabaho sa Pilipinas simula pa noong Enero at noong Hunyo 19, ay nakaranas daw ito ng mga sintomas ng COVID-19 ngunit ng suriin sa Pilipinas ay nagnegatibo naman daw ito. Pero patuloy pa rin ito nakakaranas ng mga sintomas kaya ng bumalik sa Taiwan noong Hulyo 26 ay agad itong inabisuhan ang mga quarantine officer at dumaan siya sa mga pagsusuri at dinala sa quarantine facilities at ngayong araw ay lumabas ang resulta napositibo siya sa COVID-19.

Ang case 466 at 467 naman ay mag-asawang mga Taiwanes na nasa edad 70, kung saan nakaramdam daw sila ng mga sintomas ng COVID-19 bago pa sumakay sa eroplano kaya naman pagkalapag ay sinabi rin nila sa quarantine officer at idinaan sa pagsusuri at ngayong araw ay lumabas ang kanilang resulta na positibo sila COVID-19.

Ayon sa Central Epidemic Command Center si cases 463,465,466,at 467 ay sakay ng iisang flight pabalik ng Taiwan mula sa Pilipinas. Inaalam ng ahensya kung sino ang mga nakasalamuha ng mga ito sa loob ng eroplano.


Sa Kabuuan ay umakyat na sa 467 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Taiwan, kung saan 376 dito ay tinuturing na imported case at 55 naman ang lokal at 36 mula sa hanay ng Navy na bumiyahe mula Palau.

Simula noong Hunyo 7, ng niluwagan ng ahensya ang regulasyon sa Taiwan at pagbubukas ng kanilang border ay umabot na 20 ang kabuuang imported na kaso ang naitala at 10 dito ay mula sa Pilipinas.
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive