General Information and other helpful jobs

Buntis na Migrant worker na nagpositibo sa HIV pinaghahanap na ng Yunlin Immigration Authorities




Yunlin-July 12 (CNA)Pinaghahanap na ng mga awtoridad ng Yunlin County nitong Sabado ang pagkakakilanlan nitong Indonesian migrant worker na napag-alamang positibo sa HIV.

Nalamang nakipag kita ang babae sa isang kakilalang Indonesian matapos hiramin nito ang kopya ng kanyang Alien Resident Certificate (ARC) at national health insurance nito dahil gagamitin umano ng babae sa pag-aapply nito ng sim card itoy ayon sa pahayag ng National Immigration Agency's (NIA) Yunlin County Service Center nitong Sabado.

Napag-alaman din na nitong June 8 ay nagpunta ang babae sa Yunlin Obstetrics and Gynecology clinic upang ipalaglag ang batang dinadala nito, ngunit mariing tinanggihan ng doktor sapagkat napag-alamang nasa anim na buwan na itong buntis ayon sa NIA.Matapos na lumabas ang resulta ng blood test ng babae napag-alamang HIV positive nga ito at agarang ipinagbigay alam ng clinic ang resulta sa Yunlin County's Public Health Bureau, dagdag pa ng NIA.

Sinubukang kuntakin ng health bureau ang babae upang sabihin ang tungkol sa resulta nito, ngunit ang Indonesian na hiniraman nia ng mga dokumento ang kanilang nakontak na siyang nagpaliwanag sa nangyari.

Lumabas din sa imbestigasyon na nagkaroon ng apat na Taiwanese boyfriends ang babae, at sinasabing ang mga ito ay may mataas na tsansa na makapanghawa ng virus sa iba ayon kay Chao Wen-hua ang bureau's acting director-general.

Inatasan narin ng Yunli County immigration authorities nitong Sabado ang mga awtoridad, na tumulong sa paghahanap sa babae at hiniling na ipagbigay alam sa kanila kong sinuman ang makapagtuturo sa kinaroroonan nito . Maaari din silang tumawag sa (05)534-6119.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive