General Information and other helpful jobs

Teenager was admitted to the hospital after drinking too much "MILK TEA"


Isang 18 years old na Chinese ang naospital matapos masobrahan sa pag-inom ng Milk Tea.

Namaga ang mga joints kamay at mga paa ni Xiaohai matapos ang labis na pag-inom ng Milk Tea. Ayon sa kanya ay nakakaubos siya ng Milktea ng 1-2 baso araw-araw.

Ayon kay Dr. Zheng Shaoling ng Department of Rheumatologyand Immunology ng Second People's Hospital sa Probinsya ng Guangdong. Ang Milk Tea ay may mataas na content ng sugar kung saan nagdudulot ng pagtaas ng uric acid sa ating mga katawan at pagbagal ng metobalism, kung saan naging sanhi ng pagtaba kung walang regular na ehersisyo.


Si Xiaohai ay high school student pa lamang mula sa Foshan, Mainland China na binalaan na ng kanyang doktor noon na magdahan-dahan na sa pag-inom ng matatamis na inumin gaya ng milk tea ngunit hindi ito nakinig. Kaya naman halos lahat ng joints niya ay namaga at hirap na itong kumilos.

Ayon kay Dr. Zheng, pabata ng pabata ang nakakaranas ngayon ng Gout dahil sa panahon ngayon ay ginagawang tubig ng mga bata ang milk tea na nagtataglay na mataas na sugar, na nagdudulot ng gout.

Kaya payo ni Dr. Zheng ay magdahan-dahan sa pag-inom ng Milk Tea at magkaroon ng regular exercise.
Share:

2 comments:

  1. Fake news. Mga unggoy talaga mahilig sa Duterte style balita. Puro "joke lang kumagat pala kayo"

    ReplyDelete

Loading...

Blog Archive