General Information and other helpful jobs

Famous Actor-Comedian Michael V test positive for COVID-19


Taipei (Hulyo 20, 2020)- Kinumpirma mismo ni Michael V o mas kilala sa bansag na "Bitoy" sa kanyang Vlog ngayon Lunes ng umaga na positibo siya sa COVID-19.

Ayon sa Comedian nakaranas daw siya ng sintomas ng flu at nakaramdam ng kakaiba sa kanyang lalamunan at kawalan ng panlasa at pang amoy.

Statement ni Bitoy sa Vlog niya.

"Siyempre nag-isolate na kagad ako, nag-quarantine na kagad ako. I took medicine nagpa-check up ako sa doctor online. I got better the following day," he said. Wala akong maamoy ngayon, kumuha ako ng mga strong na perfume na normally ginagamit ko -- alcohol, eucalyptus food -- medyo weird. Wala akong masyadong maamoy, we've been really strict about safety. 'Yung social distancing pina-practice namin yun, yung PPEs, every time we go out and interact with other people and 'pag lumalabas kami, normally nga halos wala talaga kaming labas eh. Very, very minimal yung times na lumabas kami. Worried not just for myself pero para din sa pamilya ko but with prayers and with God's help, I think we can go through this. I think it's gonna be OK. Nandun pa rin yung flu-like symptoms. May slight body pains pero very, very slight eh. Hindi naman nakakaapekto sa galaw ko pero pinaka bad trip talaga yung nawala yung pang-amoy ko, tsaka nakakapraning kasi kung nandito siya sa nasal area kung may virus diyan parang ang lapit sa utak, so mahirap. Baka sabi pa naman nung iba masustansya yung utak ko, mataba yung utak ko baka pagpiyestahan ng mga virus eh. Hindi biro itong mga nangyayaring ito. I wish hindi niyo bale-walain yung mga nararamdaman niyo. Sundin pa rin natin protocols ng social distancing, PPE, 'wag ng makipag-interact masyado sa iba kasi di natin alam sino yung carrier, feeling ko at this stage, na nawawala yung lasa dito nila nawawalan ng gana kumain kasi parang hindi kumpleto yung ginagawa mo pero hindi mo maamoy and hindi mo malasahan and yet kailangan mo kumain para malabanan mo yung virus so kain lang. SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA detected so it's positive, right now fever na lang yung loss of smell na-re-regain ko na siya, "So that's it. Positive.  Just as we suspected early on. Alam kong hindi normal yung nawala yung pang-amoy ko and I was counting na may kinalaman talaga yun sa COVID but I was praying na wala. But it turns out... tutuloy lang natin mga sinabi sa tin na kailangan gawin and we'll get through this; we've been through worse. Sobrang nami-miss ko na yung pamilya ko," 

Si Bitoy ay isa lamang sa mga artista sa bansa nahawaan ng COVID-19.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive