General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Fisherman from Kaohsiung was fined NT$1 million after violating the 14-days quarantine protocol


Taipei (Hulyo 17, 2020)- Isang mangingisda mula sa Kaohsiung ang pinagmulta ng NT$1 million (1.68 milyong piso) matapos lumabag sa 14 days Quarantine Rules.

Ang nasabing mangingisda ay lulan ng fishing vessel na naglayag mula sa ibang bansa, ayon sa city's Department of Health. Kaya naman isinailalim siya sa 14 days quarantine.

Ang mangingisda ay nakilalang si Huang (黃), ay nahanap ng mga pulis sa isang club Biyernes ng madaling araw kung saan dapat ay Hulyo 21 pa matatapos ang kanyang quarantine period.

Huli rin siya sa akto na hindi dala ang "smartphone" na bigay ng City Health Department kung saan naka-monitor ang lahat ng galaw ng mga naka-quarantine.

Ayon kay Section chief of the department's Disease Prevention Division Ho Hui-pin (何惠彬), ang suspek ay pagmumultahin ng NT$1 million dahil sa paglabag sa Protocol.

Those regulations are based on provisions in the "Special Act for Prevention, Relief and Revitalization Measures for Severe Pneumonia with Novel Pathogens" and the "Communicable Disease Control Act," ayon kay Ho.

Sa kasalukuyan ay mahigpit na ipinatutupad ng Taiwan ang 14 days quarantine rules kapag galing sa ibang bansa. At kung sinuman ang lalabag ay maaring pagmultahin na aabot sa NT$1 milyon.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive