General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

"G variant coronavirus" mutated from COVID-19 is more infectious than original says experts


Taipei (Hulyo 7, 2020)- Dahil sa mabilis na pagdami ng bilang ng nahawaan ng COVID-19 sa ibat-ibang panig ng mundo, pinaniniwalaan ng mga eksperto at mga scientists na nagkaroon ng "mutation" ang COVID-19 na tinawag nilang D614G o mas kilala sa tawag na "G variant." 

Ayon naman kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie, maaring totoo ang bagong tuklas na "mutation" ng COVID-19.

"It has been studied by one of our experts and he was saying that there are a lot of things on the article that can really be true. Now, we are just informing the public that we have to be more cautious." ayon kay Usec. Vergerie.

Matatandaang ibinalita rin ito ng Reuters noong Hunyo kung saan tinuturing na dahilan sa pagkakaroon ng "outbreak" sa Northern Italy at New York.

Samantala, ang mga Siyentipiko at Scripps Research sa Florida ay nagsabing buwan pa lamang ng Marso ng maitala ang iilang kaso ngunit buwan ng Abril ay umakyat sa 65 porsyento ang mga kasong buong mundo na isinumite sa GenBank Database sa ilalim ng pamamahala ng National Institute of Health.

Sa Pilipinas naman, Ayon kay University of the Philippines' Institute of Molecular Biology and Biotechnology molecular biologist director Dr. Edsel Salvana, ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa Pilipinas ay maari dahil sa "mutation" o G variant.

Aniya kung babatayan ang mga ulat sa ibang bansa, ang orihinal na virus ay dahan-dahang napapalitan ng tinatawag na G variant. At 95 porsyento ng mga kaso sa buong mundo mula noong Hunyo ay dahil sa mutation ayon sa kanya.

Pero ayon naman kay Usec. Vergerie ay kailangan pa umano kumalap ng maraming ebidensya ng sa gayon ay magkaroon ng konkretong plano upang sugpuin ang nasabing sakit.

"There are this specific circumstances within the virus and its processes that made it more infectious. But of course, we are still gathering more evidence for this, so we can appropriately identify a measure so we can address this new set of evidences." pahayag ni Usec. Vergerie.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive