General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Global Alliance for Vaccines and Immunization is considering to cap the price of COVID-19 vaccine to US$40


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Kamakailan ay ibinalita ng Reuters na ang "Global Alliance for Vaccines and Immunization" (GAVI) ay planong maglabas ng presyo sa COVID-19 vaccine.

Ayon sa Reuters, Pinag-aaralan ngayon ng "Global Alliance for Vaccines and Immunization" (GAVI) ang paglagay ng presyo na aabot sa US$40 bawat dosage ng COVID-19 vaccine. Pero ayon naman kay Seth Berkely, chief executive ng VAVI Vaccine Alliance ay magdedepende raw ang presyo ng vaccine sa mayaman at mahirap na bansa.

Ang GAVI, World Health Organization (WHO),at ang Alliance for Epidemiology Prevention Innovation (CEPI) ay nangunguna sa tinatawag na COVAX Project kung saan layunin nilang magkaroon ng sapat na COVID-19 vaccine naabots 2 bilyon hanggang sa katapusan ng taong 2021. At ayon sa GAVI, sa ngayon ay nasa 75 na mga bansa na ang nagpakita ng interes sa ilalabas na COVID-19 vaccine.

Ayon naman kay Berkely, karamihan ng mga bakuna kontra COVID-19 ay nasa "testing stage" pa at masyado pa daw maaga para malaman kung magkano nga ba ang magiging presyo ng bawat bakuna.

"The truth is, no one knows what the price will be, because we don't know which vaccine is effective." ayon kay Berkely.

Ang tanong daw ngayon ay kung gaano ka epektibo ang bakuna at ilang dosage dapat sa isang tao at saka lang malalaman kung magkano dapat ang magiging presyo ng bawat bakuna.
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive