General Information and other helpful jobs

GOOD NEWS: Philippines recorded 4,325 new recoveries from COVID-19, the highest so far in one day


Taipei (Hulyo 13, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa 57,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon

Nagtala ng 836 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Sa ngayon ay nasa na 57,006 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 4,325 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 20,371 ang mga gumaling mula sa sakit na COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 65 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,599 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Matatandang kahapon araw ng Linggo ay hindi nakapagpalabas ng ulat ang DOH. At kninang umaga ay nilinaw ng ahensya na nagkaroon ng delay  paglabas ng ulat dahil sa "data harmonization effort" na ginagawa ng DOH.

“Kung malaki ang nakita nating pagtaas [ng kaso] kumpara nitong mga nakaraan araw at linggo, these are expected results of data harmonization efforts, ang main trigger talaga ay iyong laboratories, at ang ating mga LGUs naman ang mas may direktang access sa information at pangyayari sa kani-kanilang lugar patungkol sa COVID-19, kaya kadalasan may mga naitatala silang datos na hindi pa [agad] na-i-ta-transmit sa DOH. There are also times that although they have submitted data, there is incompleteness of data. Halimbawa, iyong case investigation form, hindi puwede mawala ang address [ng COVID-19 patient roon], pero magandang balita na napapabuti na natin ang pagkulekta ng tama at mabilis na datos mula sa ating mga laboratoryo, hospital at LGUs para agad tayong makapaganunsiyo,” ayon kay Usec. Vergeire.

Pinakamataas pa rin ang bilang mula sa NCR at Cebu.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive