General Information and other helpful jobs

Heart Evangelista Inulan ng Puna at Batikos;Outfit na halos labas naraw ang kaluluwa?




Ngayong panahon ng pandemya,maraming mga celebrities at kilalang mga personalidad ang aktibo sa pagtulong sa ating mga kababayang lubhang nahihirapan sa buhay sa panahong ito ng kresis.

Isa si Heart Evangelista sa maraming kilalang personalidad ang aktibo sa pagkakawang gawa.Nitong Hunyo lang ay nag launched ng isang fundraising event si Heart kong saan ang malilikom na pera ay ipambibili niya ng mga tablets at laptops upang makatulong sa mga estudyante na walang kakayahang makabili ng nasabing gamit para sa kanilang mga online classes.

At nitong nakaraang araw lumipad din papuntang Sorsogon si Heart upang mamigay ng mga food packs,medicines at vitamins sa mga pamilyang lubos na nangangailangan.Ngunit sa halip n mapansin ang kabutihang ginagawa ng aktres hindi ito nakaligtas sa mga mapanuring mga mata ng ilang netizens.

Katunayan sa post ni Heart sa social media inulan ng ilang netizens ang kanyang suot na damit.Para sa iba masyadong bulgar "too much skin" "Bakit ganyang ang damit? Halos maghubad na.Maigi paraw ang mukha nakabalot pero halos ladlad naraw ang katawan.Sana next time yong disenting pananamit naman.Kulang nalang bakunahan."pahayag ng isang netizen.

Sa larawang ipinost ang 35 year old na aktres  ay nakasuot ng dilaw na off-shoulder na damit.Kilala si Heart dati paman sa pagkakaroon ng kakaibang estilo ng pananamit na talagang namang bagay sa aktres, ngunit bakit meron paring nababahala at pumupuna dito.Ang nasabing komento ng netizens ay agad namang nakaagaw sa atensyon ng mga fans ni Heart at sinabing walang masama sa suot nito at agad na ipinagtanggol nila ang aktres."Kapwa mo babae hihila sayo pababa sis.Napaka-toxic ng mga taong ito jusko.Sana wala kayong anak,nakakahiya naman kong ganyan ang ituturo ninyo sa mga anak niyo.Buknoy ampeg?Ano ba ang masama sa suot ni Heart".Dipensa ng kanyang fans.

Ano sa palagay niyo ang inyong masasabi sa outfit ni Heart?
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive